Kabanata 15

72.8K 3.7K 1.1K
                                    

Note: Para sa nalilito, Kabanata 2-13 po ay flashback lang bago may nangyari sa kanila. Kabanata 14 ay present na, dito talaga magsisimula story. Nabanggit ko sa last chapter (14) na one year ago na po ang nakalipas simula noong scene ni Terron at Lisa noong 25 birthday niya. I can't give more chapters about Terron and Lisa, pahapyaw lang kasi naging part siya ng life ni Lisa bago may nangyari sa kanila ni Kevin. Which is malaking part talaga, ay basta ayoko mag-spoil. Hindi siya male lead so hindi siya ang focus, pero nandyan pa rin naman siya. Hahaha.

So ayon po, kabanata 14 is present after chugchugan. Uki?

Age nila rito ay 26 na sila. Time na pauwi na sila Sascha at Daryl galing abroad. Thank you!

Kabanata 15:

         "Sino 'yon?" tanong ko kay Kevin nang makabalik siya pagkatapos ng tawag, dumeretsyo ako sa kusina para uminom at naramdaman ko naman na sumunod siya sa akin.

"Ah, k-kaibigan ni Papa," he stated.

Nilingon ko siya habang umiinom, bumaba ang tingin ko sa kanyang labi. Pulang-pula iyon, bigla akong nailang dahil pakiramdam ko ay dahil pa rin iyon kagabi.

I don't have a courage to face him after that night. Oh God!

What if he remember me? Pero imposible, kilala ko siya. Hindi malakas ang alcohol tolerance niya, ilang beses na siyang nalasing na walang maalala. Sigurado ako.

"Ah, bakit Daddy? Sugar daddy mo 'yon no? Share naman dyan," I teased him, I almost choked on my words.

Pinaikot niya ang mata saka umupo sa mataas na upuan sa harap ng countertop. "Sira, hindi. E ikaw bakit ganyan ang suot mo? Init na init?" He pointed with his snout my turtle neck long sleeve.

Mukhang ngayon niya lang napansin iyon, nagpeke ako ng ngisi dahil pakiramdam ko ay aatakihin na ako sa kaba.

"Bagong fashion, napanuod ko."

Paano ako hindi mag-turtle neck? Tadtad ng kiss marks ang aking leeg hanggang dibdib. Naisip kong daig pa niya ang linta kung sumipsip, grabe.

I don't know if he's sexually active. I never asked. Siguro noong college kami ay nakapagbibiruan kami pero nang lumaon ay hindi na, hindi naman na kailangan ipagsabi pa iyon.

Napakurap-kurap ako sa aking naisip saka ako naglakad na palabas sa kusina, nananalangin na sana ay hindi na siya sumunod pa. "Maaga akong matutulog ha? Ikaw na magsara ng pintuan," bilin ko pero ang totoo ay gusto ko lang umiwas sa kanya.

Hindi ko siya kayang tingnan, pakiramdam ko ay mababasa niya ang nasa isip ko kapag nagtama ang nata namin. Nakakahiya! Hindi siya sumagot kaya mabilis akong umakyat sa aking kwarto at nilock iyon, doon pa lang ako nakahinga nang maluwag.

Napahawak ako sa tapat ng aking dibdib saka dahan-dahan napasalampak sa sahig.

I don’t know if I should be grateful or hurt because he doesn’t remember. Ang totoo ay hindi ko rin maalala na siya ang kasama ko, hindi ko maalala na sumama ako sa isang lalaki—bakla pala.

Kung hindi ako kaagad nagising kasama siya, kung nagising ako at wala na siya ay baka hindi ko rin malaman na siya iyon.

I bit my tongue, trying to calm myself.

Terron was right, I still like him. Deep inside of me, I still have a feelings for him. Noong maghiwalay kami ni Terron ay iyon ang una niyang sinabi, incase raw na hindi ko alam at nabulag ako sa sakit... pinapaalala niya lang.

Hindi ko pa rin matanggap, ako? May gusto pa rin sa baklang 'yon? Impossible, pero nitong mga nakaraan linggo ay para na naman akong mababaliw.

Posible ba 'yon? Bumalik ang pagmamahal mo para sa isang tao na matagal mo ng kinalimutan? Hindi ba't katangahan na iyon?

Teach Me Back (Teach Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon