Kabanata 21

70K 3.3K 1.3K
                                    

Kabanata 21:

Matagal akong tinitigan ni Kevin, naghihintay ako ng reaksyon sa kanyang mukha. Maybe he won't believe me, maybe he will deny the baby and I'm scared, terrified. Sinabi ko noon na ayos lang pero ngayon na sinabi ko na sa mismong harapan niya, nakakaduwag pala.

Pakiramdam ko ba ay ako ang may kasalanan ng lahat ng iyon, lasing na siya no'n. Ako ang mas maayos pa ang lagay, dapat ako ang nagpigil. Dapat hindi ko na siya hinayaan mas uminom pa.

"H-Hindi totoo 'yan, Lisa. He's gay. Kevin is gay! Don't use Kevin, come on!" Jude claimed.

I squeezed my eyes shut. Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko pero alam kong nasasaktan si Jude at mas masasaktan siya kapag nalaman niyang si Kevin talaga, wala akong ibang lalaking nakasama sa kama.

Naiipit ako sa gitna.

Terron chuckled. "His body is still a man, he still has semen and a penis, Jude," he said in sarcastic tone.

Hindi iyon nakakatulong, mas uminit ang tensyon. Hilam pa rin ang luha ko habang nakatingin kay Kevin, reaksyon niya ang hinihintay ko.

Kevin froze infront of me for a moment like he was processing the information. Kumunot ang noo niya bago bumaba ang tingin sa tiyan ko para bang nakikita na niya roon ang baby ko.

"Daddy na ako," he whispered to himself. Para bang sinabi niya iyon dahil hindi pa tuluyan napo-proseso ng utak niya.

Marahan akong tumango at napayuko na lang nang makita ang gulat at pagkasuklam sa mata ni Jude, like I betrayed him.

Nag-walk out si Jude, tinapik ni Terron ang balikat ko. "Umuwi na kayo, sa bahay na kayo mag-usap. Papasok na kami, my wife needs a rest too," sabi ni Terron. Hindi ko siya nilingon, naramdaman kong pumasok na sila sa bahay nila, may sinasabi pa siya sa asawa niya hanggang tuluyan ko na silang hindi narinig kaya naiwan kaming dalawa ni Kevin.

Parang hindi na siya humihinga, natatakot akong hawakan siya habang tulala siya sa aking tiyan.

"K-Kevin magsalita ka naman..."

He gasped and blinked. "I-I don't know what to say..." he trailed off.

Sumikip ang dibdib ko, kung gano'n ay hindi ba siya naniniwala? Ayaw niya sa baby?

"But I know you're not going to lie about that important thing... alam ko, baby ko 'yan," mahinang sabi niya.

Napasinghap ako nang dahan-dahan siyang lumapit at mahigpit akong niyakap. Napapikit ako dahil doon at nanatiling deretsyong nakatayo habang yakap-yakap niya ako. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso, hindi ko alam kung sa akin o sa kanya iyon.

"Pananagutan ko, Lisa. Papalakihin natin ang bata na magkasama, walang magbabago," Kevin assured me.

Bumagsak ulit ang aking luha dahil sa sinabi niya, alam kong madaming mababago. Hindi na 'to basta-basta bagay lang na paghahatian namin at aalagan. Bata na 'to.

"K-Kaya ba natin? Hindi ka ba galit? Hindi mo ba tatanungin kung kailan nangyari?" I demanded. Hindi man lang ba siya magtatanong? Hindi ba niya ako sisigawan o sisisihin.

Kumalas siya sa yakap at hinawakan ang magkabila kong balikat, bahagyang namumula ang kanyang mata. His was fighting back his tears.

"Ang totoo, naaalala ko 'yong umaga. Sa elavator, parang ikaw ang kasama ko pero hindi ko gano'n matandaan. Nang magising ako noong umaga, nakita kita... palabas na. Kilalang-kilala ko ang likod mo kaya alam kong ikaw 'yon. I know... may nangyari, hinintay kitang magsabi dahil natatakot akong baka galit ka, baka nabastos kita, baka isipin mong..." Mariin siyang pumikit. "Nang sabihin sa akin ni Jude ang nangyari noong nakaraan, h-hindi ko na naisip 'yong sa atin. Naisip ko kaagad na baka... baka may nangyari rin sainyo ni Terron para kalimutan 'yong—" Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya, kinagat niya ang ibabang labi.

Teach Me Back (Teach Series #3)Where stories live. Discover now