Ang sunod ko na lang namalayan ay may nakahawak na sa aking beywang. Pilit akong inaangat upang hindi ako tuluyan mabigti, pumasag ako para mabitawan niya pero mas humigpit ang yakap niya sa akin, ayaw akong pakawalan at pilit akong inaangat.

Napaubo ako nang unti-unting lumuwag ang aking paghinga.

Hindi ko alam kung paano ako naibaba ni Mommy. Habol ko ang aking hininga habang nasa sahig, napatitig ako sa kisame habang hawak ang aking leeg.

I'm still alive...

Pinilit kong maupo, napatulala ako nang tumama ang malakas na sampal ni Mommy sa aking kanan pisngi dahilan upang mapatigil ako sa pag-ubo. Humahagulgol na siya, sa unang pagkakataon ay nakita ko siyang umiyak, nanghina.

Mahigpit niya akong hinawakan sa braso at inalog-alog, napatitig lang ako sa kanya at parang nabingi na.

Bakas ang pag-aalala at galit sa kanyang mukha. Ang kanyang matalim na titig sa akin ay para bang trinaydor ko siya.

"A-Alam mo ba ang ginagawa mo Lisa Lyndel?! Are you out of your mind hah?! Hindi kita pinalaking malakas para manghina nang ganyan! Sa lahat ng anak ko ikaw ang pinaka malakas, anong ginagawa mo sa sarili mo?! Parang iyan lang!" umalingawngaw ang sigaw niya sa buong kwarto.

Kumawala ang malalakas na hikbi sa aking labi.

"H-Hindi 'to parang iyan lang, Mommy. I'm fighting for this for almost fifteen years! Labing-limang taon ko nilalaban 'tong nasa loob ko, sa pamilya natin, sa sarili ko at kay Kevin! H-Hindi ako malakas, simula noon nanghihina ako! Pinipilit niyo akong maging hindi ako! Hindi ako 'yong Lisa na gusto niyong maging! Pagod na pagod na ako magpanggap! Dapat mataas grade, dapat lahat ng kaibigan may kaya, dapat maka-Diyos, dapat mag-teacher, puro dapat ganito! Ikaw, My! Bakit simula no'n naisip mo ba ako? Kami nila ate at bunso? Naisip mo ba 'yong mararamdaman ko? Laging dapat ganito! Dapat ganyan! Anong magagawa ko kung hindi ako gano'n!" Napahagulgol na ako, nilalabas ang lahat ng sama ng loob ko.

"Lisa..." Sinubukan akong hawakan ni Mommy pero umatras ako.

"N-Napaka selfish mo Mommy! Kayong lahat. Nasaan ka noong mga panahon na kailangan ko ng isang ina? Even you gave me money, even you support my financial needs I don't care about those things Mommy! K-Kasi sa pamilya natin h-hindi ko naramdaman 'yong pagmamahal na hinahanap ko. Kanino ko nakuha 'yong pagmamahal at pagtanggap? Pero pati siya... pati siya peke rin pala. Napaka selfish niyong lahat! Bakit... bakit ba napaka malas ko!" Hindi ko mapigilan pumiyok sa sobrang galit sa dibdib ko.

Mommy cried more, trying to reach me.

"L-Lisa... mahal na mahal ko kayo ng mga kapatid mo, ginagawa ko lahat para sa inyo. Patawad kung iba 'yong paraan ko para maipakita 'yong suporta at pagmamahal ko... sorry anak kung patago ako magmahal." Mas humagulgol si Mommy mahigpit niya akong niyakap.

Mas lalong naiyak, nagkapatong-patong na lahat ng iniisip ko at hindi ko na kinakaya. Hindi ko na kaya.

"K-Kailangan kong maging malakas kasi gusto kong mapabuti kayo. Simula noon, minamaliit ako... tayo ng mga kamag-anak ng Papa mo kaya g-gusto ko makuha niyo 'yong mga hindi ko nakuha. I want the best for you and your siblings. K-Kahit magmukha akong masama sa mata niyo ay ayos lang, naialis ko ang ate mo sa impyernong bahay na 'yon, I saved bunso from harrasment, now... I'm saving you from manipulation," my Mom whispered.

Sinapo niya ang aking mukha, parehas hilam ang aming mata. Unti-unti bumabagal ang kabog ng puso ko.

"You need to escape now."

Natigil ang luha ko, pilit iniintindi ang sinasabi niya. I still can't process what she had said when she handed me a small bag containing money and a ticket.

Teach Me Back (Teach Series #3)Where stories live. Discover now