Chapter 15

134 9 0
                                    

Accusations

Matapos ang kwentuhan na 'yon ay mas lalo lang kaming nagkalapit ni Sir Joaquin sa isa't isa.

Araw-araw yata ay namamasiyal kami. Papunta sa Rancho, para lang makita ang paglubog ng araw. Sa iba't-ibang tourist spot din dito sa buong Bicol ay na pasiyalan na rin namin. Pero umuuwi rin naman kami 'agad.

Dahil ayaw ni Tiya Bel, na makasama ko si Sir Joaquin at maabutan kami ng gabi sa daan. Also Senyora and Don are so happy because of the behavior of Sir Joaquin. Sila pa nga ang nag suggest na samahan ko si Sir Joaquin mamasiyal. At okay naman sa kanila kahit anong oras kaming lumabas ng kanilang apo.

Pero bago pa man ako sumama kay Sir Joaquin na mamasiyal. Ginagawa ko muna ang trabaho ko, para hindi ako mapagsabihan ni Manang Rosalia at Tiya Bel. S'ympre kailangan ko ring gawin ang trabaho ko.

Ilang buwan na ba rito si Sir Joaquin? Mag dadalawang buwan na at ngayon ay Lunes, umpisa na ng pagpapa-enroll for our second semester. Dahil next week ay simula na ulit ng kalbaryo.

At napag-usapan namin nina Lorieca at Cherrie Anne na ngayon na magpa enroll para hindi na maging hassle sa susunod na araw.

Para ang hihintayin na lang namin ay ang pag start ng pasok.

"Aalis ka na ba, Claudine?" Tiya Bel asked me, while she's now combing her wet hair.

Kakatapos lang nitong maligo, bago makapagpahinga sa pagtatrabaho.

"Mamayang mga alas dos pa naman, Tiya, para hindi mainit. T'ska hindi pa po ako tapos sa pagpupunas ng mga gamit sa living room ng mansiyon," I answered.

"Sige, ikaw na muna roon, magpapahinga na muna ulit ako. Masakit ang katawan at balakang ko, baka magkakaroon ako," aniya.

"Sige po, Tiya. Sabihin niyo na lang po sa akin. Kung may kailangan kayo. At magpahinga po muna kayo at baka magkakaroon na talaga kayo at buwanan niyo pa naman ngayon."

I saw her nodding at me.

Ako naman ay lumabas na sa kwarto namin at dumiretso na sa living room dala-dala ang pamunas ko.

At nagtaka naman ako, kung bakit naroon si Sir Joaquin sa mahabang couch at prenteng naka-upo, habang may kinakalikot na naman ito sa kaniyang laptop. Siguro ay nagtatrabaho na naman ito.

Pinabayaan ko lang naman siya, habang ako ay nagsimula ng maglinis at magpunas ng mga mwebles.

At sa peripheral vision ko, hindi na ito ngayon nagtatrabaho, dahil matiim na ito ngayong nakatingin sa akin.

Hindi ko naman mapigilan na mapabuntong hininga, dahil naaasiwa ako sa presensiya niya ngayon. At narinig ko naman ang marahan nitong pagtikhim at mahinang pagtawa.

Oo at dalawang buwan ko na yata siyang nakakasama. Lalo na't ng isama niya 'kong mamasiyal. Pero naandoon pa rin naman ang pagka-ilang ko. At hindi ko rin alam, kung ano ba talaga kami ngayon ni Sir Joaquin. Amo ko siya at sabihin na nating kasambahay lang nila ako.

Nagpatuloy ako at hindi siya pinansin, at mas gugustuhin ko pang mag focus sa pagpupunas ng mga gamit, dahil mamahalin iyon. Baka pag hindi ako nag focus ay baka maka-basag pa 'ko.

Lagot ako nito!

Nang malapit na 'ko sa puwesto niya ay hindi ko ulit mapigilan na mapabuntong hininga at tinitigan na siya. Dahil alam ko na kanina niya pa 'ko, pinagmamasdan at tumigil na rin siya sa kaniyang pagtatrabaho.

"Maalikabok dito...," I simply said.

"So what?" he asked me while smirking.

"Doon ka na lang muna sa kwarto mo. Maalikabok," I said and try to avoid his gazed at me.

Your Mysterious Way (GSS #3 COMPLETED)Where stories live. Discover now