Chapter 32

97 7 0
                                    

Green

Pinagmasdan ko lang kung paano tumawa at ngumiti si Cleya Neshia na ngayon ay nakadikit pa rin kay Joaquin. Habang ang boyfriend ko ay kinakausap na ng mga business tycon.

At busy rin silang lahat sa pag co-congratulate kay Joaquin. Kahit ako ay gusto kong lapitan ang boyfriend ko pero hindi ko magawa, dahil marami na ngayon ang pumupunta para batiin siya.

Pati sina Papa at Tita Frezilla ay may kausap na ring ibang mga business man, kasama na roon si Mr. Montenegro at ang may bahay yata nito.

Kaya naman kaysa ma OP ako ay dahan-dahan akong umalis sa kinatatayuan ko at pumunta sa buffet table at tumingin tingin na lang sa mga pagkaing naka display roon.

Kumuha ako ng serving plate at isa-isa nang pinuntahan ang mga gusto kong kainin at ilagay sa plato na kinuha ko.

"You like eating food, huh!"

Napabaling ako sa taong nagsalita sa gilid ko. At napakunot noo na lamang ako ng si Carl Evanz Montenegro iyon na merong nakasilay na ngisi sa labi nito.

Binalik ko na lamang ang mga mata ko sa mga pagkain at hindi siya kinausap.

"You're so snob. I know you know me. I'm Carl Evanz, Claudine."

Hindi pa rin ako nagsalita at siya naman ay nasa tabihan ko pa rin. At nakatingin lang sa ginagawa ko.

"Kung gusto mong kumain, kumuha ka ng plato at kumuha ng pagkain. Hindi 'yong tititigan mo lang ako rito," mahina pero naiirita kong panayam sa kaniya.

Narinig ko naman ang pagtawa nito at umiling-iling.

At wala pang ilang segundo ay nakita ko na itong may hawak na plato at kumukuha rin ng pagkain.

"Grabe ang sarap...," sambit ko pa nang matikman ang isang appetizer na hindi ko alam kung ano ang tawag.

Basta lang kasi akong kumukuha at dahil nga sa gutom ako ay wala na sa oras ko ang pumili pa, lalo na't masasarap naman ang nakahanda.

"You look so hungry. Hindi ka ba kumain? O nilaan mo ang gutom mo para rito?" tanong pa ni Carl Evanz sa akin.

"For your information, gutom lang ako at wala na 'kong oras para kumain kanina. T'ska pake mo ba," sagot ko naman at tumikim pa ng pagkain na nasa plato ko, habang nakatayo pa rin kami ngayong dalawa.

Binalingan ko naman ang table na iniwan ko at hindi pa rin siguro nila napapansin na umalis ako roon, pati si Joaquin ay nakatuon pa rin ang atensiyon sa mga taong bumabati sa kaniya. At hanggang ngayon ay nakadikit pa rin ang Cleya Neshia na 'yon sa tabihan ni Joaquin. Habang may kausap na ring matandang babae.

Para siya kamong linta. Nako pag sinumpong ako, hihilahin ko si Joaquin at sa tabihan ko lang ito. Pero hindi ko naman iyon magawa. S'ympre ayokong gumawa ng eksena.

"He's your boyfriend right?" tanong pa nito sa akin.

"Ang chismoso mo," sambit ko pa at sumimangot.

Tumawa pa ito at nagkibit balikat na lamang.

"I never thought na makikita kita rito. You're basing in Bicol right? And I forgot, how was your wound, masakit pa ba?" nag-aalala naman nitong tanong sa akin.

Napataas naman ako ng kilay at hindi mapigilan na magtaka.

"Bakit mo 'ko kilala?" iyon lang ang lumabas na tanong sa bibig ko.

Para siya kamong isang may powers na alam niya ang nangyayari sa akin. Alam kong nag chat ito at tumawag. Pati ang laman ng text nito sa akin ay may malalim na kahulugan.

Your Mysterious Way (GSS #3 COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora