Chapter 25

112 10 0
                                    

Father

"Claudine, please wake up."

Rinig kong para bang may nagsasalita sa tabihan ko.

Gumalaw naman ako para harapin kung sino man iyon, pero nakapikit pa rin, dahil parang ramdam ko pa rin ang pagka-antok ko.

Nabulabog lang ako sa bulong, at kilalang-kilala ko kung kaninong tinig iyon. At si Joaquin iyon.

Pero bigla ko na lamang naimulat ang mga mata ko dahil sa kirot na nararamdaman ko sa kanang tagiliran ko.

"A-aray!" daing ko pa at nauuhaw.

Nakita ko ang pagtayo ni Joaquin na para bang nagulat din siya sa pag gising ko.

"Thanks God, you're awake now," I heard his heavy sighed after of what he said.

Naramdaman ko rin ang paghalik nito sa noo ko. At kita ko naman ang mapupungay nitong mata na para bang wala pa siyang tulog.

Nakita ko naman siyang parang may pinindot na intercom, sa itaas ng hospital bed ko.

"Tubig...," sambit ko na lamang sa kaniya.

Nakita ko ang mabilis nitong paglapit sa isang table kung saan naroroon ang mga prutas at bottled mineral water.

Binuksan niya naman iyon at dahan-dahan akong pina-inom ng tubig. Nakalahati ko rin iyon at doon lang nawala ang pagka-uhaw ko.

Napansin ko rin ang nakakabit na dextrose sa akin at naka hospital gown din ako.

At doon ko lang naalala, kung bakit ako naandito ngayon sa hospital.

Hindi na natapos ang contest, dahil sa nangyari. Binaril ako, at hindi ko alam kung sino ang may kagagawan sa pangyayaring iyon.

Ramdam ko pa rin ang sakit sa tagiliran ko, pero hindi na iyon tulad ng sakit na naramdaman ko ng binaril ako. Dahil hindi ko na ramdam ang metal na nasa loob no'n.

"Are you okay now, Claudine? Do you hear me? Do you feel pain again?" he asked me worriedly.

"Joaquin...," tawag ko pa sa kaniya.

Kahit masakit ang tagiliran ko ay kinaya ko ang sarili ko na yakapin siya nang sobrang higpit.

At doon lang ako nabigyan nang kaginhawaan. Ramdam ko rin na protektado niya ako sa bisig niya at walang makakasakit sa akin, kahit sino man.

"Claudine...," tawag rin nito sa akin at ramdam ko ang paghaplos ng kamay nito sa buhok ko.

"Natakot ako. Natakot ako. Akala ko mawawala na 'ko!" parang na trauma kong sabi sa kaniya, at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniya, pati ang kamay ko ay mahigpit na nakakapit sa light blue v-neck shirt nito.

"Everything is fine now, Claudine. You made me worried about you. It's killing me. Thanks, that you're awake now. I don't know what to do, if you're still sleeping here," he said huskily and hug me tight.

Magsasalita pa sana ako, kaya lang ay narinig ko na ang pagbukas ng pintuan at humahagos papunta sa direksiyon ko ang doktor kasama ang dalawang nurse nito.

Pansin ko na si Joaquin lang ang narito at wala sina Tiya. Si Joaquin lang ba ang nagbantay sa akin?

Anong nangyari sa kanila. May nangyari bang masama sa kanila nina Senyora, Don at Tiya? Nabaril din ba sila?

Please, huwag naman sana. Hindi ko patatawarin ang sarili ko pagnagkataon. Dapat hindi na lang ako sumali sa contest na iyon.

"Sina Tiya? Bakit wala sila rito? Ayos lang ba sila nina Don at Senyora?" hysterical kong tanong kay Joaquin, habang ang doktor at nurse naman ay tinitingnan ang mga vitals ko, at inayos din ako ng higa sa hospital bed ko.

Your Mysterious Way (GSS #3 COMPLETED)Where stories live. Discover now