Chapter 10

159 11 0
                                    

Mysterious

"Claudine, you're going to your Agapiña's friend parties, right?" Senyora asked me before sipping on her tea.

"Yes po, Senyora. Uhmm... Nakapag-paalam na rin naman po ako...," I replied in a low voice.

Tumango naman ito sa akin at ibinaba ang tsaa nitong iniinom.

"They send an invitation here yesterday, but we can't go there, coz Arthuro and I need to visit my brother. Kaya si Joaquin na lang ang pupunta roon, sumabay kana sa kaniya. Mamayang hapon pa naman iyon 'di ba?" Senyora's now looking at me.

"Uhmm... Opo pero, kasabay ko po mamaya si Cherrie sa pagpunta."

"That's good, sumabay na lang kayo kay Joaquin," sabi niya habang tumatayo. "Joaquin, also know about this. Kilala niya naman si Mr. Agapiña also our Mayor Ezenias, kaya siya na lang ang papupuntahin ko roon," she smiled.

Naglakad naman ito papasok sa kitchen ng mansiyon habang ako ay nakasunod lang sa kaniya. Iyon pala ang gusto niyang sabihin, pinatawag kasi ako nito kanina. Mabuti't tapos na 'kong maglinis sa labas.

"Lucy, ready na ba ang dadalhin natin na pagkain kay Miguel?" she asked Ate Lucy.

"Opo, Senyora. Nailagay ko na po sa basket."

"Okay, ilagay mo na iyon sa van at tawagan mo na si Ignacio na i-ready na ang sasakyan para makaalis na tayo ng Don niyo," mando naman nito kay Ate Lucy.

Ginawa naman ni Ate Lucy ang pinapa-utos sa kaniya ni Senyora. Habang ako naman ay nakasunod pa rin sa kaniya. Bihis na rin ito at handa na silang umalis ni Don.

Ako naman ay pumunta na kay Don Arthuro nang makitang nasa wheelchair niya na ito ngayon. Nakabihis na rin naman ito. Ako na ang nagtulak sa kaniya papalabas ng mansiyon at hindi naman ako nahirapan.

Naglalakad naman ito minsan, pero hindi na rin kaya ng tuhod niya, kaya naman naka wheelchair ito ngayon. Malakas pa naman si Don at walang sakit. Sadiyang nagkaganito siya ng aksidente siyang mahulog sa kabayo noon, habang naglalaro ng polo.

"Did Elizabeth talked to you, Claudine? Ikaw na muna ang sumama kay Joaquin mamaya, at hindi kami makakadalo. Joaquin's already know it. At nakilala niya na naman ang mga Agapiña also the Ezenias last time. Kaya walang problema, at hindi siya ma out of place roon," Don Arthuro said calmly.

Tumango naman ako sa kaniya at ngayon ay tinutulungan na siya ni Kuya Ignacio na makasakay sa van. Nakita ko naman siyang ngumiti sa akin, na para bang pinapahiwatig na sundin ko na lang ang sinabi nito sa akin.

Hindi naman nagtagal ay naka-alis na rin sila at kami na lang ngayon dito sa mansiyon. Sina Manang, Tiya Bel at Sir Joaquin. At si Kuya Rinto naman ay nasa labas ng mansiyon at may ginagawa.

"Oh, anong oras na! Sabi mo dadalo ka sa birthday party ng kaibigan mong si Lorieca," ani Tiya Bel habang nag tutupi ng mga damit.

"Ay oo nga po! Anong oras na ba Tiya?" I asked.

Tumingin naman kami sa orasan na nakasabit sa pader at alas tres trenta na rin. Nawili yata ako sa pagtatrabaho at hindi na namalayan ang oras.

Pero alas singko pa naman ang umpisa at sinabi iyon ni Lorie sa akin sa text. At kami naman ni Cherrie ay dapat alas kwarto tretra ng hapon ay magkikita na kami sa dating tagpuan.

"Oh siya. Teka lang pala, palitan mo 'yong damit mo. Isuot mo yung off shoulder floral dress mo, mas maganda iyong tingnan sa 'yo...."

"Sige po, Tiya."

Your Mysterious Way (GSS #3 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon