Chapter 4

169 14 2
                                    

Normal Contact

Tulad nga ng sabi niya ng isang araw sa akin ay sumama raw ako sa Rancho. At ngayon ay pang limang araw ko nang sumasama sa kaniya. At 'yon din ang sinabi sa akin ni Senyora na samahan ko si Sir Joaquin sa Rancho, pag wala na akong pasok.

Pero ano nga lang ba ang silbi ko at bakit ako nito sinasama. Taga ayos lang naman ako ng pananghalian nila at meryenda. Kung minsan naman ay tumutulong ako sa mga kababaihan na mamitas ng mga gulay, tulad na lamang ng mga talong, okra at sitaw dahil harvest na nila at pwede ng ibenta sa kabilang bayan.

At kami naman ni Sir Joaquin ay hindi naman kami sabay pumunta at umuwi, dahil sa kabayo siya nakasakay at sa lumang jeep wrangler naman ako nakasakay at si Kuya Ignacio ang nag da-drive papunta rito at pauwi sa mansiyon.

Dahil tulad nga noon ay ginagamit pa rin ang jeep para gawing pang service ng mga mangga na dadalhin sa bayan ng Legazpi dahil kulang ngayon ang truck, dahil ang isa ay nasira pa at pinapa-gawa sa may talyer.

"Claudine...!"

Hinahanap ko naman iyon at nakita ko si Aling Chona na tinatawag ako at may dala itong dalawang basket, kung saan naroroon ang pang meryenda sa mga trabahador dito sa Rancho.

Marami ang mga trabahador, mapa lalaki man at babae dahil malawak kasi ang Rancho at kung susumahin ay ilang hektarya iyon. Maraming mga tanim na gulay, puno na namumunga at mga hayop, tulad na lang ng kalabaw, baka, baboy, at iba pa.

Kung tutuusin sa kanta ng bahay kubo, ay lahat ng gulay sa kanta ay narito lahat, pero hindi pa nila tag bunga at ang iba ay nagsisimula ulit na magtanim.

Pati puno ng mga prutas ay meron, pero ang mas malawak dito sa Rancho ay ang manggahan. Dahil ito ang pangunahing produkto ng Gutierrez at ngayon nga ay hindi pa tapos sa pag haharvest ng mga dilaw na mangga, para i-deliver sa ibang bayan dito sa Bicol at sa Manila.

Marami kasi ang mga customer nina Don Arthuro at ang ilang truck naman ay sa Manila dinadala at ginagawa iyong dried mango, mango jam, at marami pang produkto na gawa sa mangga ang ginagawa sa food manufacturing ng Gutierrez Group of Company, na ibenebenta rito sa buong Pilipinas at mapa-ibang bansa man dahil sa patok sa masa at masarap.

Kaya rin magtatagal dito si Sir Joaquin para matingnan kung ano ba ang ginagawa ng mga trabahador. Lalo na't siya na nga ang magiging CEO ng kanilang kompanya pagbalik niya sa Manila at sa susunod na taon na iyon.

Sabi nila marami pa ang mga business ng Gutierrez sa Manila at marami rin silang ininvest na ibang mga kompanya. At lalo na malaki ang kanilang share, kaya rin siguro sobrang yaman nila. At pinaghirapan din iyon ni Sir Theodore. At ang rinig ko noon ay mag magkasiyo-siyo sila ng kompanyang Lacson, kaya mas lalo lang tumatatag ang bawat isa. Dahil na rin siguro magka-ibigan ang dalawang may-ari.

Lumapit naman ako kay Aling Chona at pumunta naman kami sa ilalim ng malaking mangga at inilagay ang dalawang basket sa papag.

Siya naman ay tinawag na ang mga nagtratrabaho at si Sir Joaquin na tumutulong din sa ginagawa ng kaniyang mga trabahador.

Ako naman ay inayos na ang meryendang empanada at bananacue na nilagay ko pa sa malapad na dahon ng saging. Para hindi na sila mahirapan pang kumuha. Mabilis lang naman akong natapos at sa hindi kalayuan naman ay nakita ko si Kuya Rinto na may dalang dalawang galoon ng tubig para sa iinumin.

Nakita ko naman ang ibang nagtratrabaho rito sa Rancho na lumalapit dahil na rin narinig na nila ang pito ni Aling Chona. Iyon kasi ang ginagawa niya para raw hindi na siya mahirapan na isa-isahin pang tawagan ang mga ito.

Kita ko naman sa mga mata nila ang hindi matatawaran na ngiti, dahil alam kong pagod din sila at gutom na. Salamat na lang talaga kay Sir Joaquin, dahil ng dumating siya rito ay siya na ang umako ng pa meryenda sa lahat.

Your Mysterious Way (GSS #3 COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt