Chapter 20

125 12 0
                                    

Jealous Girlfriend

"Claudine Hija. I want to talk with you."

Napaharap naman ako kay Ma'am Teresita na siyang tumawag sa akin. At nakaupo na ito ngayon sa high chair at tinitingnan ako sa ginagawa ko.

Tapos na kaming mag umagahan. At nagulat pa nga ako ng ayain na naman akong sumabay sa kanila kanina.

Ayaw ko man, pero hindi ko pa rin naman masusuway ang gusto nina Don at Senyora.

Pagkatapos nang pag-uusap namin ni Joaquin at ang halikang iyon ay lumabas na rin ako. Habang dala-dala ang dalawang paper bag na galing sa kaniya.

Nakita rin ako ni Ate Lucy at siya pa itong kilig na kilig dahil nakatanggap ako ng regalo.

Pati si Tiya ay nagtataka rin kung bakit mayroon ako no'n kaya pinaliwanag ko na lamang sa kaniya.

T'ska, hindi ko naman iyon gagamitin. Baka kung kakailanganin ay magamit ko rin 'yon, pero hindi pa sa ngayon.

Alas syete na rin ng umaga at ngayon ay nasa kusina ako, dahil ako na ang nag presenta na mag hugas ng pinagkainan namin.

"Ma'am, kayo po pala. Bakit po? Para saan?" magalang kong tanong sa kaniya.

Mabuti na lang at tapos na rin naman akong magbanlaw ng mga pinggan. At mamaya ay pupunasan na lamang iyon.

"Doon tayo sa labas, Hija," sagot naman nito sa akin.

She's really a sophisticated one. Ang galing din niyang magdala ng damit. Ngayon ay naka-ayos na ito para sa pag-uwi nila sa Manila. She's wearing a blue dress below the knee, also a wedge sandals na ang design ay may kulay blue rin. Ang accessories niya lang yata sa katawan niya ay ang kaniyang wedding ring, also her pearl earrings. Nakalugay lang din ang bagsak nitong buhok na hanggang balikat niya lamang.

Nasa forties na ito ngayon, pero parang ang bata niya pa ring tingnan. Ang ganda rin ng hugis ng mukha nito. At para ring alaga ni Belo.

Nakita ko na ang picture ng pangatlo niyang anak na babae. At kahawig niya iyon, siguro, kung buhay pa ang bunso nitong anak. Baka lalo lang silang magkamukha.

Ang gaganda ng lahi nila!

Sa kusina naman siya dumaan, na para bang alam niya na rin ang pasikot-sikot dito sa mansiyon. Nakakapunta naman kasi sila rito, pero hindi nga lang kasama ang mga anak nila.

Kung gusto mang bumisita ay sina Don at Senyora pa ang pumupunta sa Manila.

Nakasunod lang naman ako sa kaniya at sa lagi kong tambayan siya tumigil. Sa isang malaking puno, kung saan meron doong papag na puwedeng upuan.

"Come here, Hija. I just want to talk to you...," she said and give me an assuring smile.

Umupo naman ako sa tabihan niya at hindi mapigilan na kabahan. Hindi ko alam ang sasahihin niya, dahil baka kanina ay alam niyang nasa kwarto ako ng anak niya.

Papagalitan niya ba ako? Hanla! Huwag naman sana.

"Ma'am, ano po 'yon?" I asked her in a low voice.

"Thank you," sambit niya at nginitian ako.

Kinuha pa nito ang kanang kamay ko at hinawakan.

"Para saan naman po?" I asked her astonishment.

"For changing my Son. Mama told me about what he's doing here, with you. Sa dalawang buwan na narito si Joaquin ay mas lalo lang gumaan ang pakiramdam ko na makita ko siyang ngumiti kahit sandali lamang dahil sa 'yo. I saw him also his reaction, pero ang anak ko ay ayaw namang ipakita sa iba at sa 'yo lang pinapakita. Alam kong may pagka misteryoso ang anak ko. Malimit mo lamang siyang makitaan ng reaksiyon, dahil noon pa man ay blangko na ito sa kahit sino man. Lumalambot lamang iyon pag kaharap niya ang mga kapatid niya. Ako, ang papa niya pati na rin ang grand parents niya," she said and I also noticed her teary eyes now.

Your Mysterious Way (GSS #3 COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz