Chapter 37

118 9 0
                                    

Last Will

"Ano 'to?" tanong ko kay Carl Evanz habang hawak na ang dalawang sobre na ibinigay nito.

Ang isang sobre ay bago pa ang isa naman ay naninilaw na.

Tiningnan ko siya at namumula pa rin ang mga mata nito dahil sa pag-iyak.

"Lola Mamang wrote a letter for you. Ginawa niya na ito noon pa man. Kung hindi man matuloy ang pagkikita niyo, ay ibibigay ko 'to sa 'yo."

Tumango ako sa kaniya at pinagmasdan ang dalawang sobre. Binasa ko rin ang nakasulat sa likod ng sobre at para iyon sa akin at kay Nanay.

"We are sorry to you, Claudine. Hindi namin alam kung paano ka kausapin o sabihin 'agad ito sa 'yo. Naghahanap kami ng tympo at ngayon ay nagsayang kami ng oras. Hindi ka na namin naipakita sa kaniya. At ngayon ay wala na siya. Sana kahit sa sulat lang na ginawa niya, sana mapatawad mo siya. I know, there's a lot of questions on your mind now. Pag nabasa mo na lahat 'yan, masasagot na lahat ng mga katanungan mo. And I hope you'll forgive her."

"Thanks, Carl," yakap ko na sa pinsan ko.

Kahit siya ay ganoon din ang ginawa.

"I'll go ahead. Tutulungan ko lang si Dad."

"Sige."

Binalingan naman nito si Joaquin at Papa para mag-paalam.

Umalis na rin ito, habang ako naman ay inilagay na muna ang sobre sa sling bag na dala-dala ko.

Tiningnan ko naman si Joaquin na kanina pa rin nakatingin sa akin at lumapit.

"Are you okay?" nag-aalala naman nitong tanong sa akin at hinalikan ako sa noo ko, kahit na nakatingin si Papa sa amin.

Kung nasa tamang wisyo lang ako ng pagkamasiyahin ko, kanina ko pa sana siya nakurot at tinanong ang nakita ko kaninang yakap-yakap na naman siya ni Cleya Neshia.

"Ayos lang ako. Uuwi kana ba o babalik ka pa sa opisina mo?" maninang tanong ko naman sa kaniya.

"I'm going too. I'll finish my works at home. Tara na."

Tumango naman ako sa kaniya at sumakay na sa sinakyan naming sasakyan ni Papa.

Habang siya naman ay ganoon din, pero sa passenger seat naman ito.

"Wala kang dalang kotse?" tanong ko pa.

Humarap pa ito sa akin at tumango.

Hindi na 'ko magtatanong kung bakit siya nakarating sa hospital. Alam ko naman na kasama niya si Cleya Neshia dumating.

Pagkarating namin ay naandoon pa rin sila naghihintay.

Kinumusta naman kami nila, pero hindi na nagtanong pa.

"Tataas na po muna ako," paalam ko pa sa kanila.

Tumango lang ang mga ito sa akin at nginitian ako.

Si Joaquin naman ay nakasunod lang din sa akin hanggang makarating sa guest room.

"Akala ko magiging masaya ang pag stay ko rito ng dalawang linggo. Pero an'dami ko nang nalaman at napakadami na rin ang nangyari," ani ko at umupo sa kama.

Siya ay ganoon din at hinawakan ako sa baywang habang hinahalikan sa noo.

"Joaquin, kahit hindi ko siya nakita o nakilala man lang. Nasasaktan ako at nalulungkot. Hindi ko man lang siya nakasama at naka-usap. Siguro ito talaga ang nakatadhana na binigay ni God para sa akin."

Your Mysterious Way (GSS #3 COMPLETED)Where stories live. Discover now