Chapter 3

182 13 0
                                    

Boyfriend?

"Claudine ayos na ba 'yang paa mo? Ikaw na muna ngayon ang mamalengke sa bayan at wala ngayon dito si Lucy kasama sina Don at Senyora, pumunta sa kabilang bayan para dalawin si Senyor Miguel...," si Manang Rosalia iyon at inuutusan ako habang nilalahad na sa akin ang mahabang listahan para sa mga bibilhin ko.

"Sige po, pero naand'yan po ba si Kuya Ignacio para po gawing service sa pamamalengke?" I asked her and looked at the list and it was arranged so that I would not have any difficulty sa pagbibili ng mga kailangan dito sa kusina.

"Nako wala rito si Ignacio at kasama si Rinto sa rancho at ginamit ang lumang jeep wrangler, para rin ipang service sa mga manggang pwede nang ibenta sa Legazpi. Ikaw ay mag arkila na lang ng tricycle at may pamasahe naman rito," she replied at inilahad naman nito sa akin ang pitaka na may lamang pera.

"Ah sige po...–"

"Oh, Sir Joaquin, ano po ang kailangan niyo?" rinig ko namang lintaya ni Manang Rosalia.

Kaya naman napabaling ako kung saan ito ngayon tumitingin at kinaka-usap si Sir Joaquin na kakapasok lang dito sa kusina.

He's wearing a white simple t-shirt now, with a khaki shorts habang ang sapin sa paa nito ay flipflops lang. At kita sa kaniya na bagong ligo ito, kaya amoy na amoy ang bango nito at mas lalo lang siya guma-gwapo dahil na rin sa buhok nitong magulo na para bang hindi niya pa nasusuklay iyon.

I thought he's right now in the Rancho, pero bakit naandito pa ito ngayon sa mansiyon?

Tiningnan ko naman ang orasan at eight o'clock pa lang naman ng umaga.

"Can you change the curtains in my room, I don't like the color," baritono naman nitong sabi kay Manang Rosalia.

"Sige po, Sir. At saan po kayo ngayon pupunta?" tanong naman ni Manang sa kaniya.

Dahil kita na roon na may hawak siyang remote car key sa kanang kamay niya.

"I'm going to town...," tipid naman nitong sagot kay Manang habang nakatingin na ito sa akin.

Narinig ko namang pumalakpak si Manang Rosalia at tumingin sa akin. At bumalik ulit ng tingin kay Sir Joaquin.

"Ayon tamang-tama! Sir, pwede niyo bang isakay si Claudine sa sasakyan niyo. Papunta rin kasi ito sa bayan," walang pag-alinlangang lintaya ni Manang kay Sir Joaquin.

"Nako! Manang, mag-aarkila na lang po ako ng...–"

Pero naputol naman ako sa pagsasalita ko ng tumango si Sir Joaquin sa kaniya. At tumingin ulit sa akin.

Ako naman ay napapatingin na lang sa kaniya at gusto pang tumutol. Pero nakita ko naman si Manang Rosalia na nakatingin na sa akin.

"Ano na, Claudine. Kumilos ka na riyan at hihintayin ka ng iyong Sir Joaquin. Bilisan mo na, para makasabay kana!" lintaya pa nito sa akin.

Nakita ko naman na lumabas na sa kusina si Sir Joaquin, kaya naman hindi na 'ko nagdalawang isip pa na itali ang buhok ko, dahil ligo na naman din ako. Kumuha na rin ako ng dalawang bayong at dalawang eco bag. At nilagay naman sa loob ng wallet ang listahan ng mga bibilhin ko.

Mabilis naman akong natapos at mabilis na naglakad palabas ng mansiyon at nakita ko naman si Sir Joaquin na nasa parking lot ng mansiyon at nasa labas na ng kaniyang sasakyan na Ford Ranger Raptor na kulay gray, hinihintay yata siguro ako.

Your Mysterious Way (GSS #3 COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora