Chapter 19

126 10 0
                                    

Confession

Joaquin: Go to my room now. I have something to tell you.

Iyon ang bumungad na text sa akin, pag kagising ko pa lamang.

Alam niya kung anong oras ako gumising. Kaya yata nag text siya 'agad sa akin.

Kagabi ay malaki pa rin ang nakatatak na tanong sa isipan ko, kung bakit siya sasabay kayna Sir Theodore para bumalik sa Manila.

Hindi pa tapos ang ang five months niya at two months pa lang siya rito.

Tiningnan ko naman si Tiya na mapayapa pa ring natutulog ngayon. Si Ate Lucy kasi at ako ang nakatuka ngayon para gumawa ng pang-agahan nila.

Gaya rin ng sabi ni Tiya kagabi, bumalik na 'agad ako sa kwarto, pagkatapos mag paalam ng mga Ezenias at Agapiña. Kaya naman hindi na kami nagkaroon ng pagkakataon ni Joaquin na mag-usap.

Nag-ayos na muna ako ng sarili ko at matiwasay naman akong nakalabas sa maid quarters na hindi nakakagawa ng ingay, para mabulabog sila.

Nadatnan ko naman si Ate Lucy na nasa kitchen na at nag-aayos ng lulutin naming dalawa.

"Good morning, Ate Lucy," I greeted her.

"Good morning din, Claudine. Ba't parang hindi yata maganda ang pagkakagising mo? Tingnan mo ang mukha mo nakabusangot," she noticed and laughed at the same time.

"Hindi naman, Ate," I simply answered.

"Weh? Ngayon na ang uwi ni Sir Joaquin. Akala ko pa naman limang buwan siya rito at dito na magpapalipas ng pasko at new year."

"Baka may dahilan naman po yata, Ate...–"

May idadag-dag pa sana ako kaya lang ay tumunog naman ang de keypad kong cellphone at nakita ko na si Joaquin iyon.

Kaya naman napilitan ko iyong sagutin.

"Hello...," I whispered.

"Why are you whispering? Good morning. Go to my room, I want to talk to you," I heard his husky voice.

"Hmmm... Good morning din. Ano! Magluluto pa kasi kami. Puwede bang mamaya na?"

"Who's with you? Can you lead your phone to her."

"Si Ate Lucy," I answered.

Gaya nga ng sabi niya ay inilahad ko ang cellphone ko kay Ate Lucy.

"Sino 'to?" tanong naman ni Ate Lucy.

"Si Sir Joaquin," I mouthed.

"Ahhh!" tumango-tango naman ito sa akin at kinuha na ang cellphone ko para maka-usap si Joaquin.

"Yes naman, Sir. Opo, kaya ko naman po!" she answered.

Namatay naman 'agad ang linya at inilahad na sa akin ni Ate Lucy ang cellphone ko.

"O, siya. Kaya ko naman dito. Pumunta kana sa kwarto no'n at baka may gustong sabihin. At mamaya ay aalis na 'yon. Baka gusto lang magpaalam."

Mas bumusangot tuloy ang mukha ko at tinawanan lang ako ni Ate Lucy.

"Bilisan mo. Para naman mas maging matagal ang pag-uusap niyong dalawa. Ako na ang bahala rito at mga priprituhin lang naman itong lulutuin," she added.

"Sige po, Ate. Mabilis lang po ito. Babalik din 'agad ako."

She just nodded at me and go back of what she's doing.

Your Mysterious Way (GSS #3 COMPLETED)Where stories live. Discover now