Chapter 33

98 8 3
                                    

Trauma

"Can I talk with you privately, Joaquin. Can I, Claudine?" paalam pa ni Cleya Neshia sa akin, habang nakangiti na.

Ang plastic niya kamo ngumiti!

Tumango naman ako at ngumiti ng pilit sa kaniya. At binitawan ang pagkakahawak sa akin ni Joaquin.

"Mauuna na 'kong bumaba," sambit ko naman at binalingan si Joaquin.

Magsasalita na sana ito, pero pinutol ko naman iyon.

"Hintayin na lang kita sa parking lot. Baka importante ang pag-uusapan niyo."

Akala ko ay aangal pa ito sa sinabi ko, pero hindi pala. Tinanguan lang ako nito at hinalikan sa tuktok ng ulo. At sa harapan pa iyon ni Cleya Neshia na nakangiti pa rin, pero kita at ramdam ko na sa ngiti nito ang pait.

"Wait me there. Mabilis lang 'to."

Tumango naman ako kay Joaquin at naglakad na papunta sa elevator.

Naghintay pa 'ko sandali sa elevator na magbukas, habang hindi ko na sila binigyan pa ng pansin.

At kung minamalas ka nga naman, mag-isa lang akong nasa loob ng elevator.

Alam mo 'yong nakakatakot, lalo na't mag-isa ka lamang. Ang creepy. Ito 'yong napapala ko, kakapanood ng horror movies, pati kagabi ay ganoon din ang pinanood namin.

Mabuti na lang at marunong ako kung saan man ako pipindot, para makababa. Pinindot ko 'yong under ground label, kung saan doon si Joaquin nag park ng kotse niya.

Kahit pang ilang ulit na 'kong sumakay sa elevator simula noong kahapon ay hindi pa rin ako nasasanay.

Pati kalamnan ko ay nanginginig na at nahihilo rin ako. Bakit ba kasi ang taas ng floor kung saan ang unit ni Joaquin. Nakakalula.

Pinagmasdan ko lang ang reflection ko sa salamin ng elevator at hindi mapigilan na bumusangot, nang bigla itong huminto at gumalaw nang gumalaw. Gano'n din ang pagpatay sindi ng ilaw.

Napasigaw ako at napa-upo habang ang kamay ko ay nakakapit na sa handrail ng elevator.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at hindi ko mapigilan na kabahan, lalo na't mag-isa lamang ako ngayon.

Gumagalaw-galaw pa rin ang elevator at ilang sandali pa lang ay namatay na nga ang ilaw sa loob. Pero ang elevator ay ramdam ko pa rin ang mahina nitong pag galaw. Para bang nag swi-swing ito.

"Joaquin...," sambit ko pa.

Madilim ngayon sa loob ng elevator, kaya ang ginawa ko ay mahigpit pa ring nakakapit sa handrail. At ngayon ay nag huhumerentado na sa bilis ang puso ko dahil sa kaba at takot.

Para bang bumalik ang mga panahong nangyari noon sa akin, noong walong taong gulang pa lang ako. Rinig ko ang malakas na pagputok ng bulkan, pati ramdam ko ang malakas na lindol, noong hapong iyon.

Katulad ngayon ay mag-isa lang ako sa dati naming bahay. Muntikan na 'kong madaganan ng kahoy noon, kung hindi lang ako nasagip ng tatay ni Cherrie.

Ang mga tao ay nagkakagulo, at lumalaki rin ang bitak ng lupa dahil sa lindol, pati ang mga malalaking bato na bumababa sa baryong iyon na galing sa bulkan. Pati ang makapal na abo at may dalang lava. Marami rin akong nakitang namatay, at kasama na roon ang mga magulang ko.

Hindi ko namamalayan na umiiyak na pala ako habang sapo-sapo ko na ang dibdib ko, dahil sa kabang nararamdaman at sakit nang nakaraan.

Wala akong hawak na kahit ano ngayon. Naiwan sa kotse ni Joaquin ang sling bag ko, pati na rin ang cellphone ko. Kaya wala akong mahingan ng tulong.

Your Mysterious Way (GSS #3 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon