Chapter 40

122 9 2
                                    

Mrs. Gutierrez

"Omggggg! Bagay ang ginawa mong gown para kay Claudine, Emiliéna!" tumatalon-talon pang wika ni Cherrie habang niyuyuyog na ang pinsan ko.

"Gosh! Cherrie. Feeling close, huh?" mataray naman nitong sabi, pero natatawa naman.

Kita ko sila sa reflection ko sa salamin. Habang ako ay parang nakatulala na lamang habang nakatingin sa ayos ko at sa wedding gown na suot ko. At si Emiliéna ang nag design at tumahi nito.

Hindi ako makapaniwala.

The wedding gown that she makes is  a lace applique mermaid with a sweetheart neckline. Sobrang fit iyon sa akin at gustong gusto ko ang design na iyon. It's simple but elegant and makes my looks so dazzling.

Bagay sa tangkad at hapit ng katawan ko ang ginawang wedding dress na iyon ni Emiliéna. Habang ang buhok ko naman is just an updo style. It's looks like a french braid twist style hair, na bagay talaga sa hugis ng mukha ko.  Soft and elegant kung mapapansin ito, there's also some accessories na kumikinang doon. May mga strands fall din sa magkabilaang gilid ng pisngi ko. At ang flower crown na dala kanina ni Lorieca ay nakalagay na rin sa ulo ko. Kulay pastel pink din iyon, katulad ng flower bouquet ko. Pati ang veil ay nasa ulo ko na rin.

Ito ang nasabi ko sa kanila noon. Gusto ko ang motif ng kasal ko ay pastel pink. Gusto ko rin na sa gabi ako ikasal, pero sobrang liwanag ng paligid. At ang venue kung saan ko gustong ikasal ay sa loob ng gubat. How fantastic is it, 'di ba?

And for some all, para akong diwata ngayong mag gagabi. Perfect lahat sa akin, ang kulang na lang na hindi ko nakikita ay ang venue kung saan iyon.

At hindi ko alam ang i-re-react ko, dahil sa sobrang gulat. Excited na rin akong makita si Joaquin. All this time, plinano pala nila ito, at wala man lang akong kaalam-alam.

"Claudine, aren't you happy? It's a surprise for you. Bakit nakatulala ka lang diyan?" tanong na sa akin ni Lorieca.

"Ayaw mo bang magpakasal?" tanong niya pa ulit.

Hinarap ko naman sila at bigla na lang may tumakas na luha sa mga mata ko.

Kaya pala, noong nakaraang buwan, tanong pa sila nang tanong sa akin, kung ano ang dream wedding ko. Kaya nasabi ko sa kanila lahat ng gusto kong mangyari. Dahil gusto nila na sila raw ang mag prepare ng mga 'yon, kung sakaling napag-usapan na namin ni Joaquin ang tungkol sa kasal at kung kailan.

Pero ngayong birthday kong 'to, hindi ko inaasahan na ganito ang magiging birthday gift ko.

It's a wedding. Hindi lang ito kung kasal. Dahil ipapakita namin sa Diyos kong paano namin mahal ang isa't-isa. At maipapangako ang isa't-isa habang buhay.

Tinago nila 'to sa akin. At hindi pa rin ako makapaniwala. Hanggang matapos akong ayusan.

May photographer din sa loob ng kwartong ito, at habang inaayusan ako ng mga bakla at kung paano ako kausapin nitong tatlo ay palagi itong nakukuhanan.

"My gosh! 'Yong make-up at ang ayos mo!" taranta namang wika ni Emiliéna, habang mabilis na pinupunasan ang mga luha kong wala pa ring tigil sa pagtulo.

"Claudine... Please say something. Ayaw mo ba ng ganito. It's your wedding day. And Joaquin is now waiting for you. Lahat ay naghihintay sa kasal niyo," si Lorieca.

"Gusto kong magpakasal. Gustong-gusto ko! Naiiyak ako, kasi hindi ako makapaniwala! Nananaginip lang ba ako?" hysterical kong tanong sa kanila, habang nakangiti na, pero dumadaloy pa rin ang mga luha sa pisngi ko.

Your Mysterious Way (GSS #3 COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt