Chapter 14

153 11 0
                                    

Changed

"Tapusin mo muna ang trabaho mo, Claudine. Bago mo samahan ang 'yong Sir Joaquin na mamasiyal. Anong oras ba kayo aalis?" Mamang Rosalia asked me, while she's embroidering her long skirts.

"Opo, mamayang alas tres pa naman po, mag-iikot lang po yata sa buong Rancho," I answered, while doing the dishes.

"Sige mag-ingat kayo. Baka si Lucy at Maribel ay mamaya pa makaka-uwi, marami-rami ang bibilhin nila para rito sa kusina."

"Opo," I simply answered her.

Nang nag huhugas pa 'ko ay umalis na rin ito sa kusina at iniwan ako. Hindi ko alam kung saan 'yon pupunta at baka sa maid quarters, para makapagpahinga.

Ako ay nagpatuloy lang sa trabahong naiwan at hindi naman ako nahirapan dahil madali lang iyon. At sinampay ko na rin ang mga damit na nasa dryer.

Nang matapos ako ay pasado alas dos na rin iyon. Kaya naman nagmadali na 'kong maligo at mag-ayos.

Hindi naman kami lalayo ni Sir Joaquin at siguro ay malapit lang kami sa Rancho at gusto niya rin doon yatang tumambay dahil may Kawayan House roon na pag pumasok ay parang rest house at pag pumunta ka sa taas ay makikita mo ang kabuuan ng Rancho.

Si Senyora ang nagpagawa noon, para pag ginabi na ay puwede roong tumuloy at matulog at doon din palagi cene-celebrate ang birthday nilang dalawa. At hindi rito sa mansiyon, dahil mas maganda ang tanawin at mas malawak.

Kaya nitong buwan ko lang nakilala si Sir Joaquin, dahil hindi naman ito sumasama kayna Ma'am Teresita at Sir Theodore para umattend ng birthday ng kaniyang Lolo at Lola. Pati si Sir Javier ay ganoon din. At sa pagkaka-alam ko ang isa nilang anak na babae ay nasa Australia at minsan lang umuuwi at doon naman ang dating niya sa Manila.

At may care taker naman doon at si Tatay Lito na taga pangalaga rin ng buong Rancho, kasama ang pamilya niya. Hindi katulad ng ibang mga tauhan sa Rancho, mga umuuwi iyon, dahil sa kalapit na baryo lang naman sila nakatira.

Mabilis lang naman akong natapos at ganoong style pa rin naman ang damit ko.

Fitted v-neck shirt na kulay black na ito ngayon at mahabang palda. At naka tsinelas lang din ako. Nakalugay rin ang buhok ko at naglagay ng kaunting baby cologne sa leeg.

Habang papalabas sa maid quarters ay may natanggap din akong message kay Sir Joaquin na sa parking lot na kami ng mansiyon magkita. Kaya naman doon na 'ko dumiretso.

Hindi yata kami sasakay kay Rucker, siguro ay pinapahinga niya rin ito, dahil araw-araw yata ay palagi niya na itong ginagamit.

"Let's go...," wika niya naman.

Pupunta pa sana siya sa passenger side para pagbuksan ako ng pintuan, pero 'agad ko na siyang naunahan.

Narinig ko na lamang ang mahinang tawa nito at umiiling-iling pa, dahil yata sa ginawa ko.

Mabilis naman siyang pumunta sa driver seat at mabilisan na inistart ang kaniyang sasakyan. Habang ako naman ay kinakabit na ang seat belt.

"Ano gagawin natin sa Rancho?" I asked him curiously.

"We were going to watch the sunset."

"Hanla! Maganda 'yon, t'ska kitang-kita," I said excitedly.

Natuwa naman siya sa inasta ko ngayon. At nagpatuloy na sa pagdadrive.

Ang tanging ginawa ko na lang habang nasa kotse niya kami ay pinagmamasdan na lang ang dinadaanan namin.

Your Mysterious Way (GSS #3 COMPLETED)Where stories live. Discover now