Hanggang sa kailangan nang tumigil ng bus kasi hindi na makakadaan pa sa mga nagtataasang puno. I think we need to walk for an hour or so bago kami makarating sa mismong pupuntahan naming barrio.


Ibinaba muli iyong mga kahon at ilan sa mga gamit namin bago kami naglakad at sinundan ang ilan sa mga sundalo. May mga ilang sundalo ring nakasunod sa likuran namin. We should all feel alert, pareho kaming napapalingon ni Iya at Jane sa mga nagtataasang puno. Medyo nahihirapan rin kaming maglakad dahil sa bigat ng rucksack na dala namin.


Ilang minuto na kaming naglalakad at nakaramdam na ako ng pagod. Mabuti nalang at hindi masiyadong maaraw dahil na rin sa makakapal na dahon ng mga puno.


"Pagod na 'ko," I heard Jane panting just beside Iya. Pawis na pawis na kami, compared to the militaries ay parang hindi man lang sila napapagod. Siguro kung pumasok rin ako sa training ay hindi ako ganito na napapagod agad sa kaunting paglalakad lang at sa pagbubuhat ng mabibigat na bagay. 


I feel like we're nearing a stream or river kasi naririnig ko ang tunog ng pag-agos ng tubig. Tumigil ako sandali at uminom sa tumbler ko. Nahagip tuloy ng mata ko si Jac na nasa likod ko lang pala at kausap ang kaniyang co-pilot kanina.


Nakasimangot tuloy akong humarap sa dinadaanan ko. Hindi man lang ba siya mag-ooffer ng help? Feel ko magkakaroon ako ng stiff neck.


"Tignan niyong mabuti ang dinadaanan niyo at medyo madulas." Sigaw ng nasa harapan namin bilang paalala. I saw how Ryland assisted Rydelle, muntik na kasi siyang nadulas.


Sa pagtitig ko sa kanila ay namali ako ng pagkakaapak at nadulas at nahulog sa sapa. I thought I'm gonna drown but it was a good thing that it was a bit shallow. Umahon ako at nakita si Jac na mukhang 'di alam ang gagawin. Sinamaan ko tuloy siya ng tingin.


"Yung kahon! Paki-ayos!" rinig kong sigaw ni Ryland sa 'di kalayuan.


"Doc, okay ka lang?" Iya asked and was about to give me her hand but Jac extended his hand to help me. Tinanggap ko ang tulong niya para maka-ahon ako.


"Ayos ka lang?" Tanong niya at napatingin sa suot kong basang-basa. 


"Ayos lang," sagot ko nalang at medyo gininaw sa bahagyang pag-hangin.


Nagulat tuloy ako nang tanggalin niya ang pang itaas na uniform niya at iniabot sa akin. He was only left with his dark green shirt. Hindi ko agad tinanggap iyon kaya ipinatong nalang niya ito sa balikat ko at nag-iwas ng tingin.


Nagpatuloy kami sa paglalakad at siya na ang nagdala sa kahon na hawak ko kanina. Nang makarating kami sa site ay pinagpahinga muna nila kami at sila ang nag-asikaso sa pagtatayo ng mga tent at ng medicube. 


Nakatulog tuloy ako sa balikat ni Iya at nakatulog din siya habang nakasandal sa ulo ko. Nang magising ako ay pumunta kami ni Iya sa medicube para ayusin ang mga gamot roon.


We had dinner and after that the militaries started a bonfire. Habang kami ay busy sa pag-aayos ng mga gamit at ng tutulugan namin. I saw Jac walk towards me, mag-isa ako sa loob ng itinayo nilang parang medicube. 

The Day My Love Flew Away (Justice Series #2)Where stories live. Discover now