Chapter 51

665 55 47
                                    

Chapter 51

Hindi ako tumigil sa pagpapadala sa kaniya ng pagkain at bulaklak. Minsan ay hinihintay ko siya na matapos ang review kapag sumasakto ako sa oras ng uwian niya sa review center.

Hinihintay ko pa din siya kahit na dinadaan-daanan niya lang ako o kaya naman ay pagod siyang napapabuntong hininga at naiiling kapag nakikita ako na naghihintay sa kanya.

It's painful to see her reactions like that when she saw me waiting for her but I choose to ignore it. Dahil mas lalo lang ako nasasaktan kapag papasinin ko pa iyon.

Sinusundan ko siya hanggang sa makarating siya sa condo niya at saka ako uuwi ng condo ko o ng bahay.

I still can't stay in my condo in the same building as Mav because I'll only see all the good memories that I have when I was still courting her. Masasaktan lang ako at mag-iisip ng kung ano-ano kapag nakikita ko ang mga iyon kung mag-i-stay ako sa condo ko doon sa building niya, dahil maiisip ko lang na yung mga alaala na iyon ay mananatiling alaala nalang.

Nandito na naman ako sa labas kung saan siya nagrereview for bar exams. Katulad pa din noong nagdaang araw. Hihintayin ko siya dito at susundan hanggang sa makaratings siya ng condominium building niya. Kahit na hindi niya ako kinakausap at dinadaanan lang. Hinihintay ko pa din siya.

"Raze, why are you here?" Lumapit sa akin ang isang babaeng kaklase ko noong college ako.

"May hinihintay lang." Sagot ko sa kaklase ko dati.

"Sino? Girlfriend mo?" Pinanliitan niya ako ng mata pagkatapos tanungin iyon.

"She's not my girlfriend but I love her," I responded. Natatawa niya naman akong hinampas sa braso.

"Marunong kana ngayon magpakilig? Nililigawan mo na ba?"

"Basted eh."

"Wow. Nababasted pala ang isang Esquire?" Gulat niyang tanong sa akin.

"Of course. Hindi naman lahat nagkakagusto sa amin."

"Kasi naman ang isang Esquire hindi lang mga gago. Gwapo, matalino, mayaman, may prinsipyo sa buhay, may isang salita at higit sa lahat may substance. Kaya nga andaming nagkakandarapang babae sa inyo."

"Guni-guni mo lang iyon."

"Wow, change person." She said sarcastically and rolled her eyes at me. "Sige alis na ako." Pagpapaalam niya. Tumango lang ako sa kaniya noong nagpaalam siya.

Napatingin ako sa labasan ng review center. I saw Mav looking at me darkly and walked towards her car. Agad kong binuksan ang kotse ko at saka siya sinundan papunta sa condominium building niya.

Noong huminto siya at hindi pumasok sa parking lot ay napahinto din ako. Nakatingin lang ako sa sasakyan niyang nakahinto sa tapat ng building niya. Hanggang sa mapatingin ako sa cellphone ko at makita ang text niya doon.

From. Anastasia:

Follow me.

Nagtataka akong napatingin sa kotse niyang umilaw ulit at pinaadar papasok ng parking lot. Sinundan ko lang siya papuntang basement at saka pinark ang kotse ko sa tabi ng kotse niya.

"Who's that girl?" She asked coldly noong pagkalabas ko ng kotse ko at maglakad papalapit sa kaniya na hinihintay ako makalabas.

"Kaklase ko noong collage. Why?" Nagtatakang tanong ko sakaniya dahil nakakapagtakang umaakto siya bigla ng ganito. Hindi siya nakasagot sa tanong ko. Yumuko lang siya at narinig kong bumuntong hininga. "May... problema ba?" Kinakabahan kong tanong sa kaniya. Nag-angat siya ng tingin sa akin habang nakakunot ang noo. She stared at me darkly dahilan para mas lalo akong kabahan sa mga tingin niya.

Caer de Nuevo (season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon