Chapter 20

1K 149 126
                                    

Chapter 20

"Raze!" bati sa akin ni Ara noong makita niya ako dito sa Moon leaf. "Why are you here?" Takang tanong niya sa akin.

Bago pa ako makasagot sa tanong niya ay napatingin na kami sa kararating lang na sasakyan nila Mav.

"I'm sorry nalate ako." Nahihiyang sabi ni Mav pagkababa niya at napatingin kaagad sa babaeng kausap ko.

"Okay lang," sagot ko pero nakatingin na pa din siya sa babaeng katabi ko. "Mav, si Ara nga pala… Kaklase ko."

"Hello." Mabait at nakangiting bati niya kay Ara. Tipid lang naman na ngumiti si Ara sa kanya at saka kami iniwanang dalawa ni Mav.

"S-Siya ba ang dahilan kung bakit hindi ka... nakapunta kahapon?" Tanong niya. Nakagat ko naman ang ibabang labi ko kasi hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang totoo sa kaniya o magdadahilan nalang.

"Oo... She said that... she doesn't want to go home dahil nandoon ang Step Dad niya. Ang sabi niya ay sinasaktan daw kasi siya ng Step Dad niya." Sagot ko. Ayokong magsinungaling sa kanya kaya sinabi ko nalang ang totoo. Nakakunot naman ang noo niya habang nakatingin sa akin na parang may kung anong nasa isip niya. Hindi ba siya naniniwala? Mukha ba akong nagsisinungaling?

Tipid siyang ngumiti at saka tahimik na siyang pumasok sa loob ng moon leaf. Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko dahil ang tahimik niya. Bigla na lang kasi siyang natahimik. Totoo naman ang sinasabi ko. Iyon naman talaga ang dahilan kung bakit ako hindi nakasipot sa usapan naming dalawa. Alam ko naman na mali na hindi kaagad tumupad sa usapan pero kasi… naawa lang naman ako sa tao.

Naglakad kami pumunta sa madalas na inuupuan naming dalawa at tahimik pa din siya. Tahimik lang siya noong umupo kami hanggang sa matapos mag-aral sa ilang subject. Hindi tuloy ako mapakali at makapag focus sa pag-aaral dahil sa sobrang tahimik niya.

I'm looking at her from time to time because she's really busy reading and analyzing her notes. Ni hindi na nga nya halos makain ang mga pagkaing inorder nya. 

Her silence bothers me so much.

"Mav?" tawag ko sa kanya. 

"Hmmm..." untag nya habang nakatingin pa rin sa notes nya. Hindi man lang ako nilingon.

"Ang tahimik mo." Kinakabahan kong sabi. Napatingin naman sya sa akin at ilang sandali nya kong tinitigan bago ni-arrange ang mga notes nya sa lamesa. Kinuha niya ang mga highlighters at nilagay sa teddy bear designed case nya.

Tahimik naman talaga siya kaso... Iba itong katahimikan niya ngayon.

"Her name is... Arabella Villamontes, right?" Seryosong tanong niya. She's not looking at me pero nakatingin siya sa may likuran ko. Tinignan ko naman kung ano iyong tinitignan nya at nakita kong nasa labas na iyong sundo nya kalaunan ay bumalik ang tingin ko sa kanya na nakatingin na sa akin. I saw her biting her lower lip na para bang pinipigilan niya ang sarili niyang may masabing kung ano sa akin.

"Do you know her?" Takang tanong ko.

"U-uh... is her Step Dad... really hurting her?" she asked instead, meaningfully. Ignoring my question.

"What do you mean?"

Nakatitig lang sya sakin at napabuntong hininga.

"It's nothing. Does her mother know?" Malumanay niyang tanong ulit sa akin at iniba na ang tanong niya. Tumango naman ako bilang sagot. 

Tumayo sya at kinuha na yung mga gamit nya sa lamesa. Tiningnan ko lang sya at kinuha ko na lang din iyong mga gamit ko. 

"Uuwi na ako. Andyan na si Manong." Pagpapaalam niya sa akin at tumalikod na. Nasa likod niya lang ako at pinagbuksan ko sya ng pintuan ng kotse nila. 

Caer de Nuevo (season 1)Where stories live. Discover now