Chapter 23

1K 143 160
                                    

Chapter 23

Excited ang lahat sa dadating na valentine's ball. Wala kaming ibang ginawa ng mga pinsan ko at ibang lalaking kaklase kundi mag laro sa cellphone dahil wala naman kaming teacher.

Tapos na kasi kami sa lahat ng gagawin namin. Valentine's Ball nalang ang inaasikaso ng ibang kaklase kong kasama sa organization.

Ang mga babaeng kaklase ko naman ay pinag-uusapan ang mga damit na susuotin nila at kung sino ang nag-aya sa kanila maging kadate sila.

Pinag-uusapan din ng iba kung sino ang yayayain nila.

Kahit ang ibang mga lalaki kong kaklase pinag-uusapan kung sino ang yayayain nila.

Narinig ko pa na balak nilang yayain si Cleo. Kahit sa taga ibang section nagbabalak yayain si Cleo.

Si Cleo naman reject lang ng reject.

Kahit kay Aira ay madaming nag-aya pero nirereject niya.

Dahil para sa kanila hindi mo naman kailangan ng kadate para maenjoy ang party.

You can enjoy the party by just being with your group of friends.

Silang dalawa lang ni Aira and Cleo ang hindi nagkwekwentuhan tungkol sa Valentine's Ball.

Nakatingin lang sila sa cellphone nila at nagtitingin ng damit sa online shop.

They are talking about fashion.

I even heard that a lot of our classmates or even schoolmates asked Ara to be their date but Ara rejected them.

Sabi pa nga nila, naghihintay si Ara sa akin para ayain sya. And they expected me to be Ara's date on the ball.

Seriously? Hindi pa din sila tapos gumawa ng issue sa amin ni Ara?

Wala nga akong inaya kahit sino. Kung dito lang nag-aaral si Mav, January pa lang, naaya ko na.

"Inaya mo si Ara maging date sa Valentine's Ball?" Bulong sa akin ni Dice.

"Hindi." Sagot ko.

"Maiissue talaga yang mga kaklase natin. Sabi kaya daw nirereject ni Ara mga offer nila dahil date ka na ni Ara." Bulong-bulong niya pa din.

"Hayaan mo na sila."

"Pero baka nga kaya nirereject ni Ara mga nag-aaya sa kaniya dahil hinihintay ka niya na ayain siya?" Tanong niya. Natawa naman ako sa sinasabi niya.

"Maghihintay lang siya sa wala."

Noong mag 4 pm na ay naghanda na kami para lumabas.

Makapag gatecrash nalang kaya? Para makadate ko si Mav?

Pinag-iisipan ko ang gagawin kong iyon pero tatanungin ko muna si Mav. Baka kasi hindi yon pumunta ng Ball nila.

"Raze," Tawag sa akin ni Ara.  "Pwede ba tayo mag-usap?" Tanong niya.

Nilingon ko naman si Eros na nasa tabi ko. Nagkibit balikat lang siya saka sumunod kila Aries at Dice na may kausap na kaklase namin.

"Anong pag-uusapan natin?" Tanong ko noong makaalis na si Eros sa tabi ko.

Tumikhim muna siya bago magsalita.

"Gusto sana kitang... ayain na maging... maging date ko sa Ball?" Kinakabahan niyang Tanong.

I bit my lower lip and sighed habang nakayuko.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya saka siya nginitian to make her feel comfortable around me. I don't know how to reject her because she's a family friend but I don't want to say yes din sa alok niya because I'll ask Mav even she's not studying here in Brent. Si Mav lang ang gusto ko.

Caer de Nuevo (season 1)Место, где живут истории. Откройте их для себя