Chapter 14

1K 164 99
                                    

Chapter 14

Pagkatapos ng klase ay masaya akong umalis ng classroom dahil wala ng practice. Wala nang istorbo kapag gusto kong pumunta ng Moon Leaf para makita si Mav. I want to call her Maissie or Anastasia pero baka kung ano isipin niya tapos mailang sya sa akin.

Nauna akong pumunta dito sa Moon leaf, sa labas ko nalang siya hinintay. Wala pang ilang minuto ay dumating na siya. Napangiti naman siya agad pero biglang nag-iwas ng tingin. Nahiya siguro.

"How's your day?" Tanong ko.

"Okay lang... Perfect ako sa quiz namin." Masaya niyang sabi.

"Wow, congrats." Masaya ko namang sabi sa kaniya.

Pumasok na kaming dalawa sa loob ng moon leaf at dumiretsyo na sa counter para umorder ng drinks. Pagkatapos naming umorder ay umupo kami sa isang vacant seat sa malapit sa glass window. This is our favorite spot here in Moon leaf.

"Are you not going to study?" Tanong niya. Umiling naman ako dahil tinapos ko na kagabi ang mga assignments kong ipapass bukas at sa isang linggo.

"Ikaw?" Tanong ko. Umiling din naman siya.

"Wala naman akong assignments ngayon." Sagot niya.

"Malapit na ang bakasyon. Saan ka magbabakasyon?" Tanong ko.

"Madrid." Maikling sagot niya. Gulat naman akong napatingin sa kanya.

"Really?" Masaya kong tanong pero biglang nawala yung saya ko noong maaalala na napag-usapan na nga pala namin ng mga pinsan ko na mag-bi-beach na lang kami sa bakasyon. Hindi kami sa Spain magbabakasyon ngayon. Shit! Wrong timing naman.

"Why?" Tanong nya sa akin.

"Spain with your family?" Tanong ko sa kanya at hindi sinagot ang tanong niya.

"Just with Kuya Maverick and some of my relatives. My parents are busy, may bahay kami doon. Our ancestry is from Spain. Both sides." Kwento nya sa akin. Sikat ang mga Vergara sa Spain. They're one of the powerful families in Madrid at hindi ko naman ineexpect na siya pala ang anak ng isa sa mga Vergara.

"Really? We are from Spain too. Nagbabakasyon lang kami madalas dito sa Pilipinas every summer but our parents decided na dito na kaming magpipinsan sa Pilipinas mag-aral ng Senior High School," Kwento ko din sa kanya. Tumango naman sya at kumain ng fries. "Saan ba kayo nakatira sa Madrid?" Tanong ko naman.

"El Escorial." Simpleng sagot niya.

"Medyo malapit lang pala." I said to myself and nodded.

"Saan ka ba?"

"Las Rozas." Napa oh naman ang bibig niya. I chuckled because she looks so cute.

Siguro, ikukuntsaba ko mga pinsan ko na sa Madrid na kami magbabakasyon. May plano na kami kung saan eh, pero madadaan naman ata sila sa suhol. I'll use up my savings so that I can still be with her during the summer. Damn! So whipped.

Nagkwentuhan lang kami tungkol sa nangyari sa school namin. Nagtatanong siya tungkol sa roleplay at sinasagot ko naman siya. I just want to be honest with her. Kahit yung tungkol sa panunukso sa amin ni Ara nasabi ko sa kanya.

"Minsan nga naiirita na ako dahil binibigyan nila ng ibang kahulugan 'yon, eh role play lang naman iyon. Nakakarindi na yung tanong nila na kailan ko daw ba liligawan si Ara? Wala daw ba akong balak na niligawan?" Pag-ra-rants ko sa kanya.

"Bakit wala ka bang balak ligawan?" She asked innocently. I groaned because of her question. Pati ba naman siya magtatanong? "You don't like her?" Tanong niya pa. Umiling ako kaagad sa kaniya bilang pagtanggi.

Caer de Nuevo (season 1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora