Chapter 12

1.1K 176 150
                                    

Chapter 12

Pagkatapos ng klase ay nagmamadali agad ako na mag-ayos ng gamit dahil late na ako. Shit! Bakit ba kasi nag-overtime si Miss?

"Una na 'ko." Paalam ko sa mga pinsan ko. Tinanguan lang naman nila ako dahil busy sila sa meeting ng kagrupo nila.

Naglakad ako palabas ng classroom pero nasa pinto na ako noong tinawag ako ni Ara.

"Raze, saan ka pupunta? May practice tayo." Sabi niya saka naglakad palapit sa akin. I sighed heavily at pinikit ko ng mariin ang mata ko.

"Hindi ba pwedeng lumiban muna ko dyan?" Tanong ko.

"Ikaw kasi ang bida at kapartner ko. Kaya hindi pwede." Sagot niya sa akin. Napabuntong hininga na naman ako dahil sa inis.

Tinapik ni Eros ang balikat ko kaya napalingon ako sa kanya na nakahanda na para umuwi.

"Akala ko ba aalis kana?" Tanong niya sa akin ng maabutan ako dito sa pinto ng room namin kausap si Ara. 

"May practice daw kami." Sagot ko. Seryoso naman niya akong tiningnan saka lumipat ang mata niya kay Ara. Napailing nalang siya saka ako kinunutan ng noo.

"Nasa Moon leaf na ba?" Tanong niya. Ang tinutukoy ay si Mav.

"Oo. Kaya nga nagmamadali akong umalis dahil nandoon na siya kaso..." sabi ko saka tumingin kay Ara na inosenteng nakikinig sa amin ni Eros.

He sighed again. "Alright. Pupuntahan ko nalang at itext mo para alam niya." Sabi niya saka naglakad na paaalis.

Tamad akong sumunod kay Ara pa papasok sa loob ng classroom. Dito daw kasi kami magpa-practice at saka isang oras lang naman daw.

Kung bukas nalang kaya namin yan gawin tutal wala namang pasok bukas? Mas mahaba pa ang oras hindi yung isisingit pa ng isang oras. Ano magagawa namin sa isang oras?

Yung mga kagrupo ko nagce-cellphone, may katawagan, nakikipag daldalan lang din naman. Ayaw umassemble. So ano magagawa namin sa isang oras?

"Seryoso ba kayo na magpa-practice tayo? You're all just wasting my time," Malamig kong sabi. Natahimik naman sila saka napatingin sa akin. "You ask for practice kahit 1 hour lang then 'eto kayo may kanya-kanyang mundo. 20 minutes na ang nakalipas wala pa din nagagawa."

"Raze, chill." Sabi ni Anthony saka tinapik ang balikat ko. Hinawi ko naman ang kamay niyang nasa balikat ko.

"This what you called practice?" I asked Ara, who's having her world with one of our group-mates, doesn't know what to say. Hindi siya nakapagsalita. "Please, Kung ganito lang kayo kada practice wag na kayo mag-aya ng practice. Nag-aaksaya lang kayo ng oras." I said and walked away.

Kinuha ko naman ang phone ko saka minessage si Mav.

To Anastasia:

Nakauwi kana ba? I'm sorry. Pupunta sana ako dyan ngayon kaso kung nakauwi ka naman na. Uuwi na din ako.

Nagreply naman siya agad sa text ko.

From Anastasia:

Aalis na sana, pero kung pupunta ka. Hintayin na lang kita.

To Anastasia:

What? No Mav, baka pagalitan ka ulit ng parents mo.

From Anastasia:

I still have 1 hour. Bilisan mo nalang. You said you're going to buy me milk tea.

I chuckled at her reply. I'm not in the mood because of my group mates and here I am smiling like an idiot because of her.

Caer de Nuevo (season 1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن