Chapter 46

915 132 166
                                    

Chapter 46

Dahil medyo gabing-gabi na ay pagkatapos naming kumain, nag-aya na siyang umuwi na dahil kailangan pa daw niya magreview bukas.

"May sundo ka ba?" Tanong ko sa kaniya noong makapunta na kami sa parking lot. Suot niya pa din ang jacket ko at wala naman akong balak kunin iyon. Kung gusto nga niya kaniya na. Naiiling nalang ako sa naiisip ko.

"What do you think of me? A kid? Of course wala." Inis niyang sagot sa akin. Napatitig ako sa inaasta niya.

Grabe! Nagtanong lang naman ako galit na naman sa akin. Imbis na maasar ako sa kanya, natatawa pa ako eh. 

"Then, do you have a car?" Tanong ko ulit. She blushed and pouted her lips. "Why?" Hindi ko napigilan maging malambing ang boses ko noong tinanong ko siya.

Tangina! Miss na miss na kita. Konting-konti na lang yayakapin na talaga kita.

Napabuntong hininga nalang ako sa naisip ko. Calm down Raze! Hindi ka nandito para ligawan siya. Nandito ka dahil wala si Eros at ibinilin lang si Mav sa iyo.

Ang hirap naman magpigil. 

"I... did not bring my car... Schedule ng change oil kanina."

"So nag-commute ka papunta dito?" Tumango naman siya sa tanong ko. Pinatunog ko ang sasakyan ko na nasa likuran niya kaya naman napatingin siya doon. "Hahatid na lang kita." Sambit ko. Tumango lang naman siya.

Naglakad ako papunta sa front seat para pagbuksan siya ng pinto. Tahimik lang siyang pumasok sa loob ng kotse ko. Inayos ko muna ang seatbelt niya bago isinara ang pinto saka naglakad papuntang driver seat.

"Saan kita ihahatid?" Tanong ko habang pinapaandar ang makina ng kotse ko.

"Sa condo ko." Sagot niya. Taka ko naman siyang nilingon. "Sa condominium building nila Eros." Dagdag niya. Tumango naman ako.

Hindi ako nakapagsalita dahil may naaalala ako sa lugar na iyon. 

Tahimik lang kami parehas sa loob ng sasakyan hanggang sa makarating kami doon sa condo niya. Nilingon ko naman siya na nagtatanggal na ng seatbelt niya.

"Kailan ko pwede makita si Mochi?" Tanong niya sa akin pagkatanggal niya ng seatbelt.

"Kung kailan ka pwede." Sagot ko. Kumunot naman ang noo niya sa sagot ko.

"Wala ka bang trabaho o review?"

"Meron... pero okay lang naman. Kailan ka ba pwede?"

"Saturday." Sagot niya. Tumango ako at saka nagsalita.

"Saturday... then." Sambit ko. Tumango lang siya at saka binuksan ang pinto ng sasakyan ko para makababa. Pagkababa niya ay hindi niya pa sinasara ang pinto kaya naman taka ko siyang tinignan.

"Thanks for accompanying me." She said softly bago isinara ang pinto at naglakad papuntang elevator.

Pinanood ko lang ang paglalakad niya hanggang sa makarating siya sa elevator at sumara ito. Napansin ko naman na suot niya pa din ang jacket ko. Nakalimutan niya ata isauli. I don't mind naman if she's not going to give it back to me.

I bit my lower lip at saka bumuntong hininga. Inilagay ko ang noo ko steering wheel at saka pumikit. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod na nararamdaman ko kanina noong umuwi ako galing Cebu.

Bumuntong hininga ako at saka naisipang sa condo ko dito nalang ako matulog dahil inaantok na talaga ako. Baka maaksidente pa ako kapag nagdrive pa ako pauwi sa village namin.

Pagkababa ko ng sasakyan ay nagpunta ako sa backseat para kunin ang bag ko na may lamang mga damit ko at iba pang mga gamit na kailangan ko. Lagi akong may dalang ganon para incase na hindi ako makakauwi ng bahay.

Caer de Nuevo (season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon