Chapter 3

2K 214 246
                                    

Chapter 3

I ate my dinner sa malapit na restaurant para pag-uwi ko matutulog nalang ako. I'm physically and mentally tired because of my finals.

Habang nag-dri-drive ay nakita kong tumatawag si Aries sa akin. Sinagot ko ito kaagad dahil baka importante. Ni-loudspeaker ko ang phone ko para makausap siya ng maayos habang nag-da-drive.

"Bakit?"

"Hindi ko kasi nakita na nag-se-seen ka sa GC. May announcement ang beadle natin na may recit daw tayo bukas."

"Tangina? Seryoso ba iyan?" Iritado kong tanong. Bad trip na nga yung exams ko may pa recit pa si Sir? Akala ko ba tapos na?

"Oo nga. Magbasa ka kasi sa GC. Sisihin mo na naman kami ni Eros kapag hindi mo alam kung ano announcement doon. Master ka ba namin, ha?"

"Saang subject ba?"

"Tax."

"Friday na may pahabol pa siya? Baka nga bumagsak pa ko sa exams ko tapos may pahabol pa siyang recit?"

"Ayaw mo noon? Kapag bumagsak ka hindi kana muna babalik ng Pilipinas kasi babalikan mo yung subject na binagsak mo." Sabi niya habang tumatawa ng malakas.

"Tangina mo!" Inis kong sabi saka pinatayan siya ng tawag. Kailan kaya darating sila Dawn nang may matinong pinsan naman akong nakakausap o baka naman sa Pilipinas na kami magkita?

Dawn, Cleon's older brother is in the Philippines with Sam, kapatid din nila. Si Cleo lang ang naiwan dito sa Spain kasama ang magulang nila habang ang dalawang kapatid ni Cleo ay nasa Pilipinas nagtatrabaho na.

"Son," my mom greeted and kissed me on my cheek. "You look tired."

"Yeah... I'm tired Mom." I said tiredly. "I want to rest."

"But aren't you going to eat first before resting?" She asked worriedly. She's looking at me softly while touching my left cheek.

"I already ate my dinner at Casa Alberto. I just want to rest. I still need to review for my recit tomorrow."

"Oh, okay. Are you alright? Please stop clubbing."

"I'm fine, mom," I said to assure her. "And yes, I'm going to stop." She smiled at me. I kissed her forehead and said goodnight before going upstairs.

Pagod kong hinubad ang damit ko saka pumasok ng bathroom. I relaxed in the bathtub. After one hour, umahon na ako. I wore a simple white shirt and grey shorts. I dried my hair using a blower para mabilis matuyo ang buhok ko dahil gusto ko na talagang matulog.

Pagkatuyo ng buhok ko, pumunta na kaagad ako sa kama ko at nahiga. I closed my eyes to sleep.

Kinabukasan ay nagising nalang ako sa alarm ng cellphone ko. Grabe tuloy-tuloy ang tulong ko.

Bumangon ako saka nagpuntang bathroom. I took a bath and after taking a bath I wore my usual outfit. I don't have class right now because my finals are already done pero may pasok pa din kami wala nga lang professor sa iba pero may recit kami mamayang 12pm. So I decided to review my codal around 5am until 8:30am. Pagkatapos ko mag review sa tax ay bumaba na ako para kumain. Pupunta ako sa firm namin mamaya para tingnan ang ginagawang project malapit sa building ng company.

I sat on my usual spot at our dining table. Tahimik kaming kumakain hanggang sa magsalita si Daddy. "Make sure na pupunta ka ng Pilipinas after your graduation."

"Okay," I tiredly said and continued eating my food because I'm not in the mood to listen to all his expectations of me.

"I heard that you're having a hard time on your exams. Why?" He asked seriously.

Caer de Nuevo (season 1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum