Chapter 44

989 131 148
                                    

Chapter 44

Nandito ako ngayon sa isang coffee shop malapit sa firm namin. I'm going to meet a friend here para makausap ko kung pwedeng siya nalang ang maging secretary ko dahil hindi ako komportable sa iba.

"Sorry, I'm late." Nag-angat ako ng tingin sa nagsalita.

It's Hira. She's my friend back in junior high school. She changed a lot. Mas lalong gumanda.

She's wearing a simple plain white shirt and boyfriend jeans partnered with sneakers.

"Okay lang. Upo ka." Sambit ko. Umupo naman siya sa harapang upuan ko.

"Gusto mo bang umorder?" Tanong ko. Umiling naman siya agad.

"Grabe mas lalo kang gumwapo. Anong sikreto mo?" Pagbibiro niya. Natawa naman ako sa sinabi niya. This is the reason why I become close with her kahit na isa siya dati sa nagkakagusto sa akin.

I never courted her because, for me, she's just a friend.

I considered her as my closest friend kaya. I chose to be just her friend even though she's special to me. I don't have feelings for her but she's special to me. I respect her and I respect our friendship.

"Aral lang." Sagot ko.

"Yabang," iritado niya kunyaring sambit. "Okay, so bakit mo gustong makipag kita sa akin ng nalaman mo na nandito ako sa Manila? Namiss mo ko?"

"Of course I miss you Hira but I want to meet you because I have a favor to ask."

"What is it?"

"Pwede bang ikaw nalang ang secretary ko? Diba naghahanap ka ng trabaho? Promise hindi kita pahihirapan. Kailangan ko lang kasing imanage ang company namin hanggang sa makagraduate si Renzo ng college dahil si Renzo talaga ang magpapatakbo non." Paliwanag ko sa kaniya.

I convinced Dad that I really don't want to manage our engineering firm. So in the end, he let me pursue becoming a lawyer but I still needed to manage the company for a while until Renzo finished college pero nag-te-training na din naman siya ngayon while he's studying.

Renzo is still in college and my other cousins already have their own careers now. Ako lang ang inaasahan ng pamilya ko kaya wala akong choice kundi tanggapin iyon.

"Really? Need ba ng interview? How about the resume?" Gulat na tanong niya.

"Just pass your resume to HR for formality then you can start as soon as possible. Hope to see you on monday. You will sign your contract that day and it is effective immediately "

"Thank you. Kailangan ko talaga ng trabaho. Alam mo naman na hindi ako kasing yaman mo."

"I'm not rich. Mga magulang ko lang ang mayaman." Nakangiti kong sambit. "Bakit nga pala kailangan mo ng trabaho? Diba tapos kana ng college?"

"Gusto ko kasi mag masteral. You know naman na I want to be a surgeon pero dahil walang pera at kulang ang kinikita ko sa pagiging nurse ko hindi ko mapag-aral ang sarili ko."

"How about your brother? Diba sabi mo dati may Kuya ka?"

"Ayoko naman na hanggang sa pagmamasteral ko siya pa din ang magpapaaral sa akin kahit na alam ko naman na willing siyang pag-aralin ako. Nakakahiya na. Grabe na kasi yung hirap niya na pag-aralin ako habang nag-aaral at nagtatrabaho din siya."

"Eh... yung father mo? Bakit hindi ka humingi ng tulong? Mayaman ang father mo ah? Nakasama ko siya sa isang meeting."

"Wala na akong pakialam sa kaniya. Wala din naman siyang pakialam sa akin. Noong namatay si Mama nagkaroon agad siya ng iba at may bagong pamilya na. Iniwan niya kami sa malaking bahay namin. Gusto nga niya kunin si Kuya eh. Kaso ayaw niya. Sabi ni Kuya hindi siya sasama kapag hindi ako kasama. Alam mo yon? Anak niya din naman ako pero bakit ganon niya ako itrato? Tapos kapag magpapadala siya ng pera para kay Kuya lang. Kaya din nakapag-aral si Kuya sa Brent dahil si Papa ang nagbabayad ng tuition niya habang ako ay scholar at kailangan magtrabaho para sa sarili ko, kahit pa nagtratrabaho si Kuya para sa akin. Ayoko pa rin na sa kanya lang ako aasa." Mahabang kwento niya.

Caer de Nuevo (season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon