Chapter 18

1K 145 108
                                    

Chapter 18

I started courting Mav. Sa buong bakasyon namin dito sa Madrid wala akong ginawa kundi magpunta sa kanila kasama si Mochi.

We are just watching movies sa movie room nila kapag nakatambay ako doon, minsan kasama sila Maverick at yung mga pinsan nya sa father side, minsan kaming dalawa lang. Pag nabored na kakatambay sa kanila, we are strolling around Madrid. Minsan dinadala namin si Mochi sa park para ilibot ito at kumain. Mav loves eating and you see how demure and formal she is pero sobrang takaw nya. I always see how careful she moves every time but now, she loves to stroll around just to find some good food stalls and eat a lot of different Spanish food.

"You know what, ngayon lang ako napakain ng ganitong karami. Ngayon lang ako naging matakaw." Sabi nya habang kumakain ng Spanish Churros.

"Talaga? Bakit naman?"

"My mom always reminds me to be prim and proper. Sobrang strict nya about proper etiquette."

"So, you're saying that this is your first time showing this side of yours?" Tanong ko sa kanya. Napatigil naman sya sa pag nguya at tiningnan ako.

"Maybe?" She answered and shrugged.

We go to church together every Sunday. Hindi na nga ako sumasama kina Lola na magsimba dahil si Mav yung kasama ko. Naiintindihan naman nila na nililigawan ko si Mav kaya hindi na sila nangulit sa akin pero hindi pa din tapos sa panunukso ang mga pinsan ko sa akin.

Bumalik na kami sa Pilipinas isang linggo na ang nakakaraan. Nakapagpa-enroll na rin kaming magpipinsan dahil pinaka ayaw namin sa lahat ay maging late enrollees. Kapag kasi nalate mag-enrol hindi mo na magiging kaklase ulit ang mga naging kaklase mo last year dahil malilipat ka sa last section. I don't want to judge but usually, the last section has the wildest and noisy students and we hate it 'cuz we can't study peacefully. Bukas ay pasukan na. We are in grade 12 and next year college na. Grabe sobrang bilis ng panahon. Malapit na pala kami mag college.

Kailangan ko na kausapin si Dad tungkol sa course na gusto kong kuhanin dahil ayokong magkaproblema pa ako kung kailan enrolan na.

Sa unang araw namin sa school ay wala kaming masyadong ginagawa. Nag iba-iba na din ang ilan sa kaklase namin pero marami pa din ang dating kaklase namin na kaklase ulit namin ngayon.

"Good morning Sir. Sorry, I'm late." Sabi noong bagong dating sa prof namin. Ito ang pangalawang araw namin ngayong pasukan.

Napatingin ako sa bagong dating dahil pamilyar siya sa akin. Hindi ko siya mamukhaan ngayon dahil nakatabing ang buhok niya sa mukha niya pero pamilyar talaga siya sa akin.

"Aira?" Rinig kong tanong ni Aries.

Yes! Siya nga. Kaya pala pamilyar dahil si Aira yon. Si Aira ay ang naging schoolmate namin noon sa Madrid at kaibigan ng kaklase naming palaging nakasalamin na malaki at makapal. Si Timmy, ang kababata at best friend ni Dice na hindi namin inaasahan na magiging kaclose si Aira.

Nakilala namin si Aira dahil sa isang common friend. I have a wide circle of friends kaya hindi malabo na ma-associate siya sa mga kaibigan ko at saka palakaibigan at madaldal din kasi tong babaeng ito.

"Dito din siya nag-aaral?" Bulong ni Eros kay Dice dahil si Dice ang nasa gitna nila ni Aries.

"Oo. Hindi niyo ba siya nakikita tuwing break time dati?" Tanong naman ni Dice. Umiling naman kami bilang sagot sa kaniya. Paano ko naman siya makikita, eh ang buong atensyon ko kung hindi nakay Mav nasa pag-aaral o sa kanila.

"It's okay, maupo kana." Sabi ng teacher namin. Tumango naman siya saka nagpunta sa bakanteng upuan sa unahang upuan kung saan kami nakaupong magpipinsan.

Caer de Nuevo (season 1)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें