Chapter 34

1K 134 180
                                    

Chapter 34

"Sorry natagalan ako." Kalalabas lang niya galing sa bahay nila.

Mukha siyang okay na okay kahit na kagagaling niya lang sa pakikipag away sa Stepfather niya. Kung titignan mo siya parang walang nangyari. Parang hindi siya galit na galit kanina.

"Okay lang, let's go." Hindi ko mapigilan ang sarili kong maging malamig ang pakikitungo sa kaniya.

Habang nasa byahe kami ay salita siya ng salita. Ang tanging ginagawa ko lang ay tumatango sa mga tanong at sinasabi niya.

Noong makarating kami sa bahay ay ipinarada ko na sa parking dito sa bahay ang sasakyan ko at saka kami sabay na naglakad papasok sa loob ng bahay. Nasa dalawang bulsa ko ang kamay ko. Habang ang isang kamay niya ay nakakapit sa braso ko.

Nagpunta kami sa likod ng bahay kung saan ginanap ang dinner. Pagkapunta namin doon ay kumpleto na sila. Agad na napalingon ang mga Tita, Tito at mga pinsan ko sa amin.

Tinaasan lang naman ako ng kilay ni Cleo habang si Eros ay walang pakialam basta umiinom lang siya ng wine sa wine glass niya.

"Ara!" Masayang tawag ni Mommy habang naglalakad palapit sa amin. Ngumiti naman si Ara at saka lumapit kay Mommy.

"Happy birthday, Tita." Masayang bati ni Ara saka inabot ang regalo niya.

"Happy birthday, Mom." Bati ko saka hinalikan siya sa pisngi.

"Thank you, son."

Naglakad ako papunta sa may alak dahil nag-uusap sila Mommy at Ara ng kung ano-ano. Nakisali din ang mga ibang Tita ko sa pag-uusap nila. Wala ako sa mood na makisali sa usapan nila at makipagplastikan na okay kami ni Ara. Tingin ni Ara okay kami dahil hindi naman niya alam na narinig ko ang away nila ni Tito Robert.

"Nag-away kayo?" Tanong sa akin ni Ate noong maupo ako sa tabi niya.

"Nope." Tinatamad na sagot ko.

"Parang ang lamig mo naman yata sa kanya. You fought?." Tanong niya ulit.

"Hindi. Huwag mo nalang pansinin. Pagod ako," pagdadahilan ko saka tinungga ang white wine na nasa wineglass ko.

Pumunta si Ara sa tabi ko noong ianunsyo ni Mommy na magsimula na kami mag dinner dahil kumpleto na. Kami nalang pala ni Ara ang hinihintay nila.

Pagkatapos magdasal ay nagsimula na kaming kumain. Tahimik lang kami ni Ara na kumakain. Minsan ay nakikisali siya sa usapan nila Mommy kapag tinatanong siya nito.

Buong dinner ay hindi ko nagawang kausapin si Ara. Hindi ko siya kayang kausapin matapos ng lahat ng nalaman ko.

She's been lying to me about her Stepfather.

Parang akong tanga na nag-aalala palagi sa kanya kapag nababalitaan ko na nasa bahay nila ang Stepfather niya. Tapos malalaman kong wala naman palang problema sa kay Tito Robert. He even loves her as her own and she denies it. Bakit niya sinisiraan si Tito Robert?

Si Tito ang tumayong ama sa kaniya.

Si Tito ang nagbigay sa kaniya ng pagmamahal ng isang ama.

Tapos ang ang isusukli niya ay ang gumawa ng kwento na makakasira sa taong ang tanging ginawa lang naman ay mahalin siya bilang anak?

At sa akin? Nagsinungaling siya sa akin na ang tanging ginawa ko lang naman ay ang makinig sa kaniya at mag-alala kapag nababalitaan kong nandyan ang Stepfather niya. I care for her and right now? I don't know what's true anymore.

Parang akong tangang nag-aalala sa wala.

"Bakit hindi mo ako kinakausap?" Tanong niya noong ihinto ko ang kotse ko sa labas ng building ng condo niya. Katatapos lang ng dinner at napagdesisyunan kong ihatid na siya sa condo niya at huwag na lang makisali sa inuman ng mga pinsan ko.

Caer de Nuevo (season 1)Where stories live. Discover now