Chapter 50

588 43 4
                                    

Chapter 50

Isang linggo na ang nakaraan noong huling kita namin ni Mav. Hindi niya pa ulit ako tinatawagan o tinetext tungkol sa pagkikita nila ni Mochi.

Humugot ako ng malalim na buntong hininga at saka nilingon si Mochi na nasa tabi ko. Nakaupo. Inosente siyang nakatingin sa akin.

"Do you want to see your, Mom?" Tanong ko sa kanya. Bigla siyang tumayo at winagwag ang buntot niya habang nakalawlaw ang dila niya. Tumahol siya ng tumahol sa sobrang saya at pinaparating sa akin na gusto niyang makita ang Mommy niya.

"Pero mukhang busy ang Mommy mo eh. Ang sabi niya tatawagan niya ako." Bigla siyang nalungkot at bumalik sa pagkakaupo niya sa tabi ko kaya naman hinaplos ko ang balahibo niya para aluin siya "I'm sure she missed you and badly wants to see you again, but she's busy Mochi."

Napatingin ako kila Dice at Eros na naglalakad papunta dito sa kung nasaan ako. Kagagaling lang sa loob.

Nandito kasi ako ngayon sa backyard ng bahay kung saan nakalagay ang bahay nila Mochi.

"Bakit kayo nandito?" Takang tanong ko sa kanilang dalawa. Umupo si Dice sa tabi ni Pudding na kumakain habang si Eros naman ay nakipaglaro kila Milky at Pochi.

"Wala lang." Kibit balikat na sagot ni Eros.

"Nauumay na ako mag review. Rest day ko ngayon." Sagot ni Dice sa akin pero nakay Pudding ang atensyon niya.

"Gusto ko na din magtrabaho katulad nila David." Wala sa sariling sambit ni Eros.

"Asan nga pala si Aries?" Madalas kasi kapag pupunta dito sa bahay si Eros si Aries ang kasama niya. Madalang niya makasama si Dice kapag pupunta dito. Bakit wala ngayon iyon?

"Nasa Spain." Natatawang sagot ni Eros sa akin.

"Pinuntahan si Aira. Namimiss na daw niya." Natatawang dagdag ni Dice sa sinabi ni Eros kaya natawa din ako.

"Ang daming pera ah?"

"Sa savings niya lang siya kumukuha. Saka okay lang naman kay Tito basta huwag niya lang pabayaan ang pagrereview niya." Sagot sa akin ni Eros na tumigil na sa pakikipaglaro kila Pochi at Milky. Naglakad siya papunta sa kung saan kami nakaupo ni Mochi at saka umupo sa tabi ko.

Ilang oras pa sila nag stay sa bahay bago naisipang umalis na. Ang sabi ni Dice ay may pupuntahan pa siya. Si Eros naman pupunta sa birthday ng Lola niya sa mother side niya kaya kailangan na din niyang umalis.

Napagdesisyunan ko na ligawan ulit si Mav. Tatanungin ko ulit siya kung pwede. Kung sakaling ayaw na niya. I will respect her decision pero sana hayaan niya akong bumawi sa kasalanang nagawa ko sa kanya.

Nagpapadala ako ng breakfast, lunch, snacks, and dinner niya sa condo niya. Madalas ay ako ang nagluluto ng ipinapadala ko sa kanya dahil ayokong fast food o sa restaurant lang ako bumili.

Ngayon ay ako mismo ang magdadala sa kaniya. Dumaan muna ako sa malapit na coffee shop dito sa condominium niya para bumili ng kape. Pagkaorder ko ay nakita ko si Mav na naglalakad papasok sa loob ng coffee shop. Natigilan siya noong makita ako.

"Good morning." Bati ko sa kanya at saka siya nginitian pero hindi niya ako nginitian pabalik.

"Morning." Malamig na bati niya pabalik. Nagpatuloy siya sa paglalakad at nilagpasana ko. She didn't bother to look at me. Derederetsyo lang siyang naglalakad papunta sa counter para umorder ng kape.

Lumabas na ako sa loob ng coffee shop at naisipang doon na lang siya hintayin. Nakalagay sa bulsa ng black pants ko ang isang kamay ko habang ang isa ay may hawak na kape.

Caer de Nuevo (season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon