Chapter 28

928 124 169
                                    

Chapter 28

Ara still keeps on bugging me. She always sends me food na luto niya. Minsan ay merienda. She even sends me flowers na akala mo manliligaw ko. Lagi din siyang nangungulit sa text. Everyday, she keeps on bombarding me with her text messages but I just ignored her text messages.

She's always there with me. Palagi nya akong sinusundan. 

I'm living alone on my condo at umuuwi lang ako sa bahay kapag bakasyon o gusto ko lang. Hindi din ako nagsasabi sa pamilya ko ng problema ko. Mukha kasi silang maraming problema. Ayoko na dumagdag pa. Noong nagkasakit ako, si Ara ang nagpunta ng condo ko para alagaan ako. I can say that she's really the only person who knows that I'm still hurting because of...

Ni hindi ko nga magawang tingnan si Mochi noon kahit na lapit siya ng lapit sa akin. Seeing Mochi is torture because I keep on remembering her Mom who left us with nothing. Noong nasa bahay pa ako, nasa garden kami ni Mochi magkatabing umupo. My phone is on my lap at noong umilaw iyon dahil sa alarm ay nakita niya ang mommy niya sa lock screen ko. Tumahol siya ng tumahol habang nakatingin sa cellphone ko at may luha sa gilid ng mga mata niya.

He missed his mom... and I miss his mom too.

Ilang araw akong wala sa sarili and I get pissed easily. Ayokong merong nang-iistorbo sa akin at alam kong pansin nila iyon. Kaya hindi na din sila nag-a-attempt na kausapin ako pag alam nilang wala ako sa mood pero si Ara lang yung nagtatiyaga sa akin. She's always there for me... until I get used to her presence. 

She's actually fun. Makakasundo mo siya sa lahat ng bagay kaya hindi din naging mahirap sa akin makasundo siya.

"Kapag nanalo ako, ibibili mo ako ng pizza. The expensive one." Pakikipagpustahan niya.

"Deal. Kapag ako ang nanalo ikaw ang bibili ng pizza pero ako lang ang kakain."

"Ang daya mo naman." Reklamo niya.

"Well, that's the deal." Final kong sabi. Pumayag din naman siya ang dami pang reklamo.

We played a game on Xbox. We are here in our house dahil nandito ang parents niya. Kausap si Mommy at umuwi ako dahil namimiss na daw ako ni Mommy, sakto naman na nadito si Ara akaya inaya ko nalang mag laro ng Xbox.

We are just laughing while playing hanggang sa natalo ko siya.

"I won!" I said while smiling. She glared at me at kinuha ang cellphone niya habang nakanguso. Natatawa lang naman ako sa kanya. Mukhang labag na labag kasi sa loob niya ang gumastos.

"What flavor do you want?" Masama ang loob na tanong niya. She's still pouting her lips while scrolling on her phone.

"I'm okay with anything. Just buy the expensive one."

Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na din ang pizza na inorder ni Ara. Pagkabukas ko ng box ay ininggit ko lang naman siya. She just rolled her eyes habang nag-ce-cellphone. I just keep on laughing at her because she looks so annoyed at me.

"Wala ka talagang balak bigyan ako?" Pagmamaktol niya.

"Answer my question first."

"Okay!" Sagot niya kaagad.

"Do you still like me?" Seryosong tanong ko. 

"Yes." Deretsyo niyang sagot. I just smirked and shook my head.

"Kumuha kana." Sabi ko nalang.

We are studying together here in Moon leaf. I didn't seat on my usual spot before. Sa ibang upuan kami umupo. She keeps on asking me questions kahit alam naman na niya ang sagot. She just wants to talk to me. Kung sana sinabi niya nalang hindi yung para siyang tanga na tanong ng tanong. Alam naman niya ang sagot.

Caer de Nuevo (season 1)Where stories live. Discover now