Chapter 9

1.2K 169 198
                                    

Chapter 9

Tahimik lang kaming nakatingin sa langit hanggang sa tumunog ang cellphone niya para sa isang text.

Napatingin siya doon at tsaka tinignan kung sino ang nagtext.

Pagkatapos basahin ang text sa cellphone niya ay nag-aalinlangan siyang tumingin sa akin. I smiled at her to make her feel that It's okay kung kailangan na niyang umalis.

"I'm sorry... I-I need to go." Nag-aalinlangan niyang paalam sa akin.

"Okay lang," sagot ko tsaka tumayo. Tumayo na din siya nang tumayo ako. "So... see you nalang kung magkikita pa?" Ngumuso naman siya tsaka namula ang pisngi… She's so cute.

"S-Sige..." Sagot niya. "Uhm... Una na ko?" Tanong niya. Tumango lang ako sa kanya bilang tugon.

Naglakad siya papasok ulit ng restaurant hanggang sa makarating siya sa exit. Bumuntong hininga ako tsaka bumalik na din sa loob.

Pagpunta ko sa table namin ay nagreready na sila para umalis.

Dahil gustong-gusto ko siya makita, noong monday, sumama ako sa driver namin sa pagsundo kay Ate dahil doon nag-aaral si Ate sa ADMU kung saan nag-aaral si Mav.

Nakatayo ako sa labas ng sasakyan namin habang nakalagay ang dalawang kamay ko sa bulsa ko. I'm still wearing my uniform, that's why some students are looking at me.

Napaayos kaagad ako ng tayo noong makita si Mav na naglalakad mag-isa. May hawak siyang book binder sa kaliwang braso niya habang ang sa kanang braso niya naman ay nakasabit ang bag niya.

"Mav!" Tawag ko. Napalingon siya sa akin agad ng tinawag ko siya. Napakurap-kurap siya noong makita ako. Hindi niya siguro inaasahan na makikita niya ako dito.

Napalingon-lingon siya sa paligid na nahihiya dahil nag sitinginan sa akin at sa kaniya ang mga estudyante dito nung tinawag ko siya. Wrong move. Pinapahiya mo lang siya.

Naglakad siya papunta sa akin at saka ngumuti ng tipid.

"Uuwi kana?" Tanong ko.

"O-Oo... nasa kabilang kalsada ang sundo ko." Sagot niya saka tumingin sa kabilang kalsada kung nasaan ang puting SUV na tingin ko ay tinutukoy niyang sundo niya.

"Kailangan mo na ba umuwi?" Gusto ko sana siya makausap pa, kaya nga ako sumama na sunduin si Ate eh. Kahit na matagal pa ang labas niya dahil may group work silang ginagawa pero kung kailangan na niyang umuwi, sino naman ako para pigilan siya?

"H-Hindi naman... ano... bakit ka nga pala nandito?" Hindi pa din siya komportable sa akin. Namumula pa din ang pisngi niya kapag nagtatagpo ang mga mata namin.

I just bit my lower lip to hide my smile because I don't want her to think that I'm laughing at her. Wala namang nakakatawa doon. It's normal to a person like her na mahiyain. Nangingiti lang ako dahil ang cute niya kapag namumula ang pisngi niya. Mukha siyang mochi.

"Sinusundo si Ate," sagot ko. Kahit kinakabahan din ako kapag kaharap o kausap siya pinipilit kong maging casual para maging komportable siya sa akin. Kasi walang mangyayari sa aming dalawa kung parehas kaming nahihiya sa isa't-isa. Matutuyuan lang kami ng laway dito.

"Si Charlotte Scarlet?" Tanong niya.

"Kilala mo si Ate?" Tanong ko pabalik.

"Uhm... She's kind of famous here in school. She represents their year level during intramurals last year. U-uhm... She's pretty and smart." Paliwanag niya.

"You're also beautiful," wala sa sarili kong sambit. Napakurap-kurap naman siya sa akin. Shit! Calm down Raze. Tinatakot mo eh. Masyado kang nagiging mabilis.

Caer de Nuevo (season 1)Where stories live. Discover now