Chapter 15

987 156 91
                                    

Chapter 15

Exams day na namin kinabukasan kaya naman hindi kami nagkikita o nagkakausap ni Mav. Nag focus lang kami sa pagrereview.

Habang kumakain ay nagrereview ako ng notes. Kahit sa sasakyan ay nagrereview ako. Ayoko kasi yung magsisisi ako sa huli dahil lang sa hindi ko sinulit ang libreng oras para magreview kaya naman sinusulit ko na para walang pagsisisi na mangyayari sa huli kung sakaling matapos na ang exams at malaman ko ang result.

10 minutes na lang ay magsisimula na ang exam namin kaya tumigil na ako sa pagrereview ng makarating ako sa room. Kailangan kong irelax at pahinga ng kaunti ang utak ko dahil na-bla-blanko ako kapag masyado akong napapasobra sa pagrereview tapos in the end wala din akong nasagot dahil nawala na lahat ng nireview ko. Mas nakakapanlumo 'yon kung nagkataon. That's why I always make the last minutes as my rest before the exams to make my mind at rest even in a small time at para hindi din ako ma-blanko.

Pumasok na ang teacher namin saka pinamigay ang mga test paper sa unahan. Pinasa naman ng mga nasa unahan papunta sa likod ang test paper.

Isang oras lang ang pag sagot namin dahil dalawang exam ang sasagutan namin ngayong araw.

Nauna akong matapos mag sagot kaya lumabas na agad ako.

Sumunod si Eros kaya kaming dalawa ngayon ang nasa labas.

"Ano yung tinext mo kagabi na sa Madrid nalang tayo magbakasyon?" Tanong ni Eros sa akin. Siya kasi ang una kong tinext tungkol doon dahil kailangan ko pa ihanda ang tainga ko sa mga reklamo ng mga pinsan ko tungkol sa pagbabago ko ng plano 'cuz I'm sure magrereklamo ang mga iyon. Unlike Eros na go lang sa lahat ng bagay. We already planned to have a vacation on the beach na kasi and suddenly I'll change my mind and ask them to just have a vacation in Madrid.

"Bakit? ayaw mo?" Tanong ko pabalik.

"Hindi naman pero may usapan naman na tayo," Sagot niya. "Now answer my question."

"Sa Spain din kasi magbabakasyon sila Mav, malapit lang sa Las Rozas ang kanila... bakla ko siyang tanungin doon kung pwedeng manligaw." Paliwanag ko.

"May surprise ka?"

"Wala. Just a simple confession." I said. Maybe she likes surprises but I don't want to pressure her. Maybe next time... I'll surprise her.

"Saan?"

"Sa Las Rozas... sa garden ni Lola."

"Okay... I'm sure she will like it." Pagpayag niya kaagad.

"Tapos basted ako." Pagbibiro ko sa kanyan at natawa naman siya sa sinabi ko.

"Kinakabahan ka? Sabagay sinong 'di kakabahan sa babaeng wala pang pinayagan manligaw sa kaniya kahit isa." Natatawa niyang sabi. Napailing nalang ako sa kaniya dahil sa pang-aasar niya sa akin. Kinakabahan na nga yung tao pero imbis na palakasin ang loob ko, pinapasama pa.

Sa buong linggo wala kaming ginawa kung hindi mag review at exams. Hanggang sa matapos na ang exams namin pero may pasok pa din. Ayoko na ngang pumasok dahil pagod na pagod na utak ko pero kailangan kong pumasok para malaman ko grades ko kahit pa alam ko naman na wala akong problema sa grades. It's just that my father has high standards when it comes to grades. A 90 average is not enough for him.

Kung wala ka namang problema sa grades mo okay lang na wag na pumasok, pero kung meron, kailangan pumasok para sa remedial.

"Basta ba ililibre mo kami papayag kami na sa Las Rozas tayo magbakasyon." Sabi ni Aries habang kumakain ng meryenda. Katatapos lang namin mag basketball dito kila Eros. Nagpapahinga na lang kami. Katatapos lang din nila magreklamo sa akin.

Caer de Nuevo (season 1)Where stories live. Discover now