Chapter 25

961 135 176
                                    

Chapter 25

"Raze," Tawag niya sa akin at hinawakan nya ang kamay kong nasa pisngi nya. Wala sa sariling napatingin ako sa gawing labas dahil may napansin akong tao na naglalakad palayo. Dahil madilim sa gawing nilalakaran niya hindi ko nakilala kung sino iyon.

Ibinalik ko kay Ara ang tingin ko at binaba ang kamay kong nasa pisngi nya na hawak nya. 

"Thank you for liking me, Ara..." Maingat kong sabi. Tinitigan ko lang sya. Bigla akong naawa sa lagay niya. "...but you know that I'm already courting someone, right?" Maingat kong tanong. "I like someone else... and I'm not the right guy for you. Deserve mo yung lalaking kayang suklian ang nararamdaman mo." Dagdag ko. Saka napatingin sa gawi kung saan ginaganap ang Ball.

"Kanina pa nagsisimula ang program. Pumasok kana sa loob." Pagbaling ko bigla sa event dahil baka kung ano pa mapag-usapan namin kung pag-uusapan pa namin ang tungkol sa pag-amin niya sa akin at masaktan pa siya. Hinintay ko siyang sumagot pero nakatitig lang siya sa akin. Meron pa ding luha sa mga mata niya kaya yumuko sya at pinunasan iyon. 

"Kailangan ko na pumasok sa loob." Pagpapaalam niya. Tumango lang naman ako bilang tugon sa kaniya.Tinalikuran na niya ako at naglakad ng nakayuko. Napabuntong hininga nalang ako habang nakatingin sa kanya na papasok na sa loob ng venue.

This is not the first time I rejected someone after their confession. Wala akong konsensyang balewalain sila because I don't care about their feelings but somehow, this is a bit hard because she is a family friend. I knew she had feelings for me. Bali-balita na iyan sa school but I never imagined her confessing her feelings to me. I erased my thoughts about her 'cuz Mav is probably waiting for me now. 

Nagmadali akong naglakad papuntang sasakyan nila Eros at saka nagpahatid sa building kung saan ang condo ni Mav.

To. Anastasia:

Mav, where are you? I'm on my way.

Medyo natagalan siya bago nagreply.

From. Anastasia:

Papunta na din. 

Nagmadali akong pumuntang rooftop habang nakasabit sa likod ko ang gitara ni Eros para maunahan siya. Pagbukas ko ng pinto sa rooftop ay ang malakas at malamig na hangin ang sumalubong sa akin kaya napapikit ako kaagad sa sarap ng ihip ng hangin dito. Fresh air feels so good. 

Merong mga ilaw na nakalagay sa barandilya ng rooftop na siyang nagbibigay ng ilaw bukod sa city lights ng buong Quezon City. Kaya hindi siya gaanong kadilim. Wala pa si Mav noong nagpunta ako dito. Naglakad ako papuntang barandilya ng rooftop at saka inayos ang gitara. Isinabit ko sa akin ang gitara at saka chineck ang tono kung naka ayos ba. 

Sumandal ako sa barandilya at saka pinaglaruan ang gitara habang naghihintay kay Mav ilang minuto ang nakalipas ay narinig kong bumukas ang pinto kaya napaayos ako ng tayo noong bumungad sa akin si Mav.

Mav is wearing a rose gold v-neck evening dress. There is a short slit at the bottom of her left dress that emphasizes her long leg. The dress she is wearing fits on her in its right places. The sequins of her dress light her up from the top to her sleeves until the bottom that makes her really sexy. And the silver toe heels add to her tonight. 

I watched her walking toward me. I only stare at her as she walks closer to the spot where I am standing. She only put small touches on her face. Walang masyadong bakas ng make-up but she's still so beautiful. Her brown hair was put in half and I saw the vintage flower hairpin that I gave to her last summer. 

Damn! She is so beautiful and her overall look emphasizes her sexy features. Simple but sexy. Nakatitig lang ako sa kanya. Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na siya.

Caer de Nuevo (season 1)Where stories live. Discover now