Chapter 22

869 143 116
                                    

Chapter 22

"Still reviewing? Baka maperfect mo na yung exams natin." Nakangiting sabi ni Ara. Napansin ko naman na umirap lang si Aira habang si Cleo ay nailing.

Anong problema ng dalawang to kay Ara?

"Hindi kasi ako satisfied sa nireview ko kagabi." Sagot ko.

Sila Eros, Aries, at Dice naman ay tahimik lang sa tabi ko. Si Eros nagbabasa lang ng reviewer niya. Si Dice nag so-solve ng Physics at si Aries naman ay sinusulat ang mga nareview niya to make sure the spelling at siguraduhin na memorize niya talaga ang nireview niya.

Sa loob ng isang linggo ay puro exams sa umaga. Review sa tanghali at gabi ang ginagawa ko.

"Tapos na." Masayang sabi ni Aira habang nag-uunat ng braso. Katatapos lang naming mag take ng last exam namin at ang sarap sa pakiramdam na tapos na ng exam week.

"Tarang bistro." Yaya ni Cleo sa amin.

"Sure!" Masayang pagpayag nila Aries.

"I can't go. Pupuntahan ko si Mav."

"Edi isama mo si Mav." Suggest ni Aira.

"Oo nga! Isama mo nalang. Hindi mo pa sya sinasama sa mga gala natin kahit na ipinapakilala mo naman na siya sa amin. I want to be close to her." Nakangiting sabi ni Cleo.

"Surely, Cleo. Magkakasundo kayo nun. Tahimik at mahiyain lang iyon pero kapag naging komportable na sayo, makakausap mo na yun sa mga kaartehan mo."

"How dare you? I'm not maarte." Maarteng sabi ni Cleo.

"Ganon? Sige." Sarcastic na sabi ni Aira.

"Hindi yata siya pwede?" Tanong ko kay Aira.

"Pwede iyan. Kasama naman ako, pagpapaalam ko kay Tita. Sabihan mo na siya." Utos niya. Tumango lang naman ako.

Nauna na maglakad sila Cleo at Aira sa labas pagkatapos ni Aira tawagan ang Mommy ni Mav. Naglakad na din sila Aries, Eros at Dice palabas ng classroom. Nasa likuran naman nila ako. Tinetext si Mav.

"May lakad kayo?" Tanong ni Ara sa akin noong makasalubong ko siya at saka sumabay sa akin sa paglalakad.

"Oo."

"Saan?"

"Bistro." Maigsi ko pading sagot.

To. Anastasia:
Gusto mo bang sumama tayo sa bistro? Nag-aaya kasi ang mga pinsan ko at si Aira na magpunta doon dahil tapos naman na ang exams. Saka pinagpaalam kana ni Aira sa Mommy mo. Tinawagan niya kanina.

From. Anastasia:
Okay lang. Hihintayin ko ba kayo dito sa ADMU o susunod nalang ako sa bistro? Saang bistro ba? Wala pa kasi ang sundo ko.

To. Anastasia:
Hindi ko alam kung saang bistro. Hintayin mo nalang ako dyan sa ADMU, pupuntahan nalang kita.

From. Anastasia:
Sige. Hihintayin kita sa gate.

To. Anastasia:
Sige. Papunta nako.

Nilingon ko naman si Ara na malungkot na nakatingin sa akin.

"Hindi ka pa uuwi?" Tanong ko dahil nag-uusap-usap na ang mga kasama ko tungkol sa bistrong pupuntahan namin at mukhang paalis na rin.

"Uuwi na." Matamlay niyang sagot. Tumango lang ako saka siya nilagpasan para makisali sa usapan nila Aira.

"Saang bistro ba tayo pupunta? Susunduin ko pa kasi si Mav sa ADMU." Tanong ko kay Aira.

"Wow! fulltime suitor." Pang-aasar niya na tinawanan naman ng mga pinsan ko.

Caer de Nuevo (season 1)Where stories live. Discover now