Ang tingin ni Mommy sa akin ay lumipat kay Kevin, mukhang may naiisip siya tungkol sa amin. Tumikhim si Kevin saka tipid na ngumiti kay Mommy.

"Una na ho kami Tita, hatid ko na lang po si Lisa mamaya."

"Sige, hmm how's your Dad, Kevin?" Isinara ni Mommy ang magazine saka ibinigay ang buong atensyon kay Kevin.

"Ayos naman na po, nasa bahay na nakaka-recover na."

Marahan tumango si Mommy, may itatanong pa sana siya pero sa huli ay itinikom na lang niya ang bibig saka sinenyasan kaming umalis na.

Nagkatinginan pa kami ni Kevin bago tuluyan umalis.

Pumara kami ng jeep, mas mura kapag doon. Siksikan na nang makasakay kami, anim pa raw ang kulang pero parang isang tao na lang ang kasya.

Nagsikuhan kami ni Kevin kung sino ang uupo, sa huli ay ako ang naupo nang itulak ko siya. Muntik na siyang masubsob sa isang criminology student. Sinamaan ako ng tingin ni Kevin bago sumiksik sa pagitan ko at ng criminology student.

Kaunting parte lang ng puwit niya ang nakaupo.

"Beb, imaginary chair lang gamit ko, kunwari lang akong nakaupo, gagi," bulong niya. Natawa ako nang makitang bahagyang nanginginig pa ang tuhod niya sa pwesto.

I crossed my legs so he can sit a little. He gripped the tube metal. I chuckled because of his position. Mukha siyang natatae, pawis na pawis na.

"Magbayad ka na oh." Inabot ko ang singkwenta sa kanya, bayad namin dalawa. Siya naman mamaya.

Bahagya akong napanguso nang makitang pinasadahn ako ng tingin ng isa pang criminology student sa harapan namin, mukhang magkakasama sila.

I sighed.

Kaya ayoko nagde-dress kasi ganito. Naiilang akong kumilos.

Sasabihin ko na sana kay Kevin pero nagulat ako nang ilabas niya ang kanyang panyo, iniladlad niya iyon at inilagay sa tuhod ko, sa parte ng balat na nakikita sa dress ko.

Kinagat ko ang aking ibabang labi nang ipirmi niya ang palad doon para hindi liparin ang panyo.

Huminga ako nang malalim para pigilan ang pagkabog ng dibdib ko.

Ano ba 'tong nararamdaman ko? Normal lang 'to, dapat hindi ako mailang.

Nang bababa na kami ay pinaupo niya ako, dahil bahagyang nakatuwad sa loob ng jeep ay alam kong bahagayang aangat ang dulo kaya hinawakan ko iyon. Kevin pulled the hem of my dress.

Nang makababa kami ay kaagad akong kumapit sa kanyang braso dahil tatawid kami.

"Gutom na ako, magpapalit lang akong damit tapos kain na muna tayo," sabi ko.

"Sige, saan ba tayo pupunta? Bibili lang damit?" tanong niya nang makapasok kami sa Mall, natawa pa ako kasi sumunod siya sa akin sa pila.

Nakalimutan ata niya na sa ibang linya niya, hinayaan na lang siya ng guard.

"Magpa-spa ako sandali, papalinis lang akong kuko tapos pa-massage sandali," I said.

Suminghap siya at madramang nilingon ako.

"Ay wow, richkid ka teh? Daming pera ah," puna niya.

Natawa ako. "Ilibre ko man lang sarili ko, isang beses lang naman sa isang taon. Spoil ko muna sarili ko," sabi ko. Siya ang nagturo sa akin nito, na kahit minsan sa isang taon ay i-treat ko ang sarili ko.

Lumawak ang ngiti niya. "Libre mo 'ko?"

"Lul, sarili ko lang spoil ko. Walang libre-libre, ang dami mong ipon."

"Walang libre-libre, kuripot," he mocked me.

Sinamahan niya akong magbihis, katulad ng plano ay kumain kami sandali saka pumunta sa spa.

Masyadong maingay si Kevin habang minamasahe ang paa niya, tawa siya nang tawa dahil nakakakiliti raw muntik pa niyang masipa si Ateng na nagmamasahe.

"Ang sweet niyo naman po ng boyfriend niyo, Ma'am," sabi ng babae na naglalagay ng nail polish sa akin. Kakatapos lang namin magpa-body massage.

Mabilis akong umiling.

"Nako, bestfriend ko po 'yan," tanggi ko.

"Ay gano'n po? Akala ko po boyfriend niyo. Doon po sa body massage hindi man siya natulog, nakatingin lang siya sa'yo habang tulog ka. Magkahawak kamay pa nga po kayo kaya akala ko magkasintahan kayo," chika niya sa akin.

Nagulat ako sa sinabi niya, tabi kami kanina ng bed ni Kevin pero hindi naman kami magkahawak kamay.

Baka naman jino-joke lang ako ni Ateng masahista. Imbes na sumagot ay ngumiti na lang ako.

Paglabas namin sa spa ay dumaan kami sa Watson.

"Teka lang, may titingnan lang ako," sabi ko habang nakatingin sa Watson, parang tinatawag na ako ng mga paninda.

Kevin looked at me flatly. "Sus, luma na 'yan titingin na 'yan, mamaya niyan pustahan ang dami mong bumili."

"Ang daming comment, tara na kasi para makapunta tayo sa mga damit." Hinila ko na siya.

Noong una ay tanggi-tanggi pa siya pero kalaunan ay siya na mismo ang nagtuturo sa akin ng magagandang items, lalo na sa makeup at skincare.

"Ano ba kasing pinagkaiba nila, pare-prehas brush lang iyan," reklamo ko nang abutan niya ako ng isang set ng brush. Sabi ko ay isa or dalawa na lang pero sabi niya ay bilhin ko raw lahat mas makakamura ako.

"Iba-iba kasi 'yan beb, ito oh pang-blush, tapos itong medyo manipis ay pang-concealer, ito naman maliit pang eye-shadow, ito pang-brows." Iniisa-isa niya ang iba't ibang brush at sinusubukan ipaliwanag sa akin.

Napangiwi ako dahil may mga napapalingon na samin, sa huli ay kinuha ko na lang ang sinasabi niya.

Paglabas namin ng Watson ay nagpaalam siyang iihi muna, habang naghihintay sa kanya sa labas ng banyo ay nabunggo ako ng isang lalaking kakalabas lang.

"Oh, shit sorry," aniya saka tinulungan akong pulutin ang mga gamit ko.

Nanlaki ang mata ko nang makitang nabasag ang isang foundation na binili ko. Handa ko na sanang bugahan ng apoy ang lalaki pero nagtama ang mata namin kaya natigilan ako.

"Sorry, nasira ko ba? Papalitan ko na lang, uhm sorry nagmamadali kasi ako, papalitan ko 'yan," he explained.

"Paano?" Wala sa sariling sabi ko.

"Pwede next time na lang kita bibilhan? May emergency kasi  ako. Hmm, kunin ko na lang number mo para sure na hindi ako magtago." Kumurap-kurap ako nang ilahad niya ang phone sa akin, itinipa ko roon ang numero ko.

Tinawagan niya ang number ko bago ibulsa ang phone niya.

"Sorry talaga, I have to go." Tumalikod na siya pero bigla rin bumalik. "Ano kasing pangalan mo?" he asked me.

Kumurap-kurap ako sa pagkabila, lalo't parang may kamukha siya.

"L-Lisa."

"Oh, nice name. Simple. Anyway, just save my number. Terron." Naglahad siya ng kamay saka ngumuti, tinanggap ko ang kanyang kamay.

"Terron De Vega," pagpatuloy niya sa pangalan niya. De Vega? Is he related to...

"Lisa... Lisa Lyndell Mon—"

"Beb!"

__________

Teach Me Back (Teach Series #3)Where stories live. Discover now