"Papasok tayo?" Gulat na tanong ni Enfys nang akmang pipihitin ni Sefarina ang doorknob.

They immediately looked at her na para bang isa siyang malaking joke after asking something so obvious.

"Don't."

Kanya-kanyang ngiwi ang lima at inis na tinignan ang binatang pinigilan sila sa gusto nilang gawin.

"Hindi naman na—" Hindi na natapos pa ni Veton ang sasabihin at parang napapasong bumitaw sa doorknob nang makasalubong ng tingin si Damien na tahimik silang pinapanood.

"Ah, bro. Sila nakaisip nito, damay lang ako." Paglilinis ni Veton sa kamay at tumatawa pang tinapik ang balikat ni Arrow na nandidiri siyang tinulak.

"The audacity of this fucker." Nanggigigil na ani Sefarina na agad pinigilan ni Arrow bago pa masaktan si Veton.

"Hush. No fighting."

Sumama lalo ang tingin ni Sefarina kay Veton na bumelat lang at dahan dahang nagtago sa likod ni Iraia na bubuksan na sana ang pintuan ng muling magsalita si Damien.

"I'll go in."

Mabilis pa sa alas kwatro silang nagsitabi at nagbigay daan para sa kaibigan. They were so anxious that even Dame wasn't visiting Luna kaya napagkasunduan nilang patagong pasukin ang kwarto ng kaibigan. But now that he seems to be in the right state, makakahinga na sila ng maluwag.

"Sige, ingat ka ha." Nakangiting kaway ni Pream sa binata.

"Bye." Kaway ni Enfys kahit na si Pream naman ang nagwawagayway sa kamay niya.

Si Sefarina na ang naglakas loob magbukas ng pinto at sinenyasan si Damien na pumasok na. Napatingin naman sa kanila ang kaibigan bago pumasok sa loob. Mabilis na sinara ni Sefarina ang pinto at humarang doon.

Nanliliit ang mga mata niyang dinuro isa isa ang mga chismosa niyang kaibigan at pinagtulakan ito papalayo.

"Bakit nandito pa kayo? Bawal chismoso!" Bintang niya sa mga ito na hindi siya makapaniwalang tinignan.

"Bakit nandito ka pa? Ikaw ang umalis." Duro sa kanya ni Veton na inirapan lang niya.

"Lahat aalis, maiwan mamamatay." Sumpa ni Arrow kaya walang pagdadalawang isip nagsialisan ang mga 'to.


"Hey, wizard." Kaswal na bati ni Damien pagkaupo sa gilid ng kama ng dalaga.

Luna shifted her weight and opened her eyes to face him. She was hugging her pillow, her hair was a mess, her eyes were puffy, and her lips were obviously dry. 

She probably doesn't look very appealing right now.

"Hey, vampire." Mahinang sagot ni Luna at maliit na nginitian ang binata.

He just smiled and said nothing. He was staring at her, as if she were the center of his attention. His hair, like his sweater, was a mess. 

He seems to have recently woken up, and the first thing he did was come to her.

"Kailan pa?" She whispered.

DovetailWhere stories live. Discover now