Chapter 14: The Truth

Magsimula sa umpisa
                                    

Gusto kong malaman ang dati. Mabuti nalang at madaldal si ate Mel.

"Ang alam ni Precious namatay ang nanay nya dahil sa isang aksidente ng maliit pa sya pero ang totoo dahil yon sa panganganak ni madam. Mahal na mahal ni sir Ed si mam Helena kaya labis syang nasasaktan sa tuwing nakikita nya si Precious. Mahal din ni sir ang anak kaya nga subsob sya magtrabaho para matustusan lahat ng kailangan ni Precious pero di nya talaga kayang matignan sya ng matagal."

Tss. Pero unfair kay Precious ang ganon.

"Sa pag-aalala nga masyado ni sir, iniisip nya ang anak sa future. Pano nga naman pag si sir pa ang nawala? Haaaay, walang problema sa pera e. Ang alam ko, may naka-time deposit para kay Precious. Ang inaalala ni sir ay kung kanino nya iiwan ang anak. May katandaan na nga naman si sir Ed."

Pero hindi parin tamang iwasan nya si Precious! Tsk. May gusto pa akong malaman.

"Sino naman po yung Rener?"

Nagulat na naman si ate Mel sa pangalang yon. Parang nung tinawag lang ni Precious yung Rener bago sya nagkamalay.

"R-raynier talaga pangalan non at... matagal na syang patay."

"Joke time na naman ba ito ate Mel?" (=_=)

"Hindi. Bat ko naman gagawin yon?"

"E bat sya tinawag ni Precious?"

Hinahanap pa nga nya ang ungas na yon dati. Kapikon.

"Di ko rin alam kung paano nya naalala."

"Ha? Anong ibig mo pong sabihin?"

"Maliit palang si Precious, sakitin na. Lalakas man sya pero maya-may lang manghihina na naman kaya halos dito na lumaki."

"Dito sya nahospital?"

"Oo. Tapos may nakilala syang bata. Si Raynier nga yon. Mas nauna sya dito kaya una syang na-schedule para sa operasyon na katulad ng kay Precious kaya inggit naman tong isa. Hindi ko nga alam kung pano sila naging close e."

Tss. Bat pa sila nagkakilala?

Precious [Short / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon