Prologue

3.8K 80 2
                                    

Sa ilalim ng asul na buwan ay isang batang lalaki na may mahabang puting buhok na nasa edad na limang taon ang naka-tanglaw sa mga nagkalat na bangkay ng mga berdugong samurai na kanyang pinaslang.Sa kanyang mga kamay na may matatalas na mga kuko ay makikita ang bahid ng dugo na tumutulo pa sa lupa.Sa kanyang malamig at nakakatakot na puting mata ay walang makikita na kahit anong emosyon.

Bumaling ang tingin niya sa nag-iisang berdugong samurai na nananatiling humihinga.Humakbang siya palapit sa samurai na gumagapang palayo sa kanya.Naglalabasan ang ugat sa gilid ng mata ng batang lalaki.

Nang may sumabog na itim na usok sa paligid na nakapagpasilaw sa bata.Dalawang lalaking pulos naka-itim ang lumitaw.Dinaluhan ng mga ito ang berdugong samurai.Binigyan ng tingin ang batang lalaki at ang mga nagkalat na bangkay.Makikita ang pagkamangha sa kanilang mga mata ngunit hindi din sila nagtagal at agad na umalis tangay ang sugatang berdugo.

"Pagbabayaran mo ang ginawa mong pagpaslang sa magulang ko Rakuda..pangako iyan.."tiim ang bagang na sabi ng bata.

Hinayon ng tingin ang bangkay ng mga magulang na pinaslang ng grupo ng mga berdugong samurai at hindi pa sila nakuntento ay pinagsamantalahan pa ang kanyang ina. Iyon ang dinatnan niyang eksena na nakapagpalabas ng isinumpa niyang anyo.Sukat noon ay nagkaroon ng emosyon ang kanyang mata.Napalitan ito ng poot,galit at pati na din lungkot.Hindi niya napigilan ang pagtulo ng kanyang luha.Bumalik sa dati ang kanyang normal na anyo.

Nilisan ng batang lalaki ang lugar na iyon..ang Emperyo ng Subeta kung saan wala na siyang pamilya at kakampi na aasahan.Naglakbay siya na hindi alam kung saan patutungo.Isang lugar ang pumasok sa isip niya..ang Emperyo ng Libre kung saan nakatira ang kanyang ina nung dalaga pa ito..bilang isang mandirigma bago ito nawalan ng kapangyarihan sa hindi pa niya maintindihan na dahilan sa kanyang edad na limang taon.Ang alam niya ay kagagawan ito lahat ng sakim na kapatid ng ama niya.Nagtagis ang bagang niya sa naisip.

Hindi alintana na walang sapin sa paa na naglakbay ng naglalakad ang bata hanggang sa makarating siya sa Libre sa pinaka-kapital ng bayan nito ang Zairo.Napakadaming mga salamangkero.Walang pakialam na naglalakad siya kahit na madaming mga mata ang nakatingin sa kanya.Madungis kasi ang kanyang kasuotan at kapansin-pansin..at may kaunting bahid pa ito ng dugo.

Nang mapadpad siya sa isang bahagi ng lugar na wala masyadong tao.Napabaling ang tingin niya sa isang matandang lalaki na bitbit sa damit ang isang batang babae na may puting alon-alon na buhok na sa tingin niya ay apat na taon o tatlo.

"Pakawalan mo ako kung ayaw mong isumbong kita sa emperador!"banta ng bata na halatang takot na takot at nagpipilit lang magmatapang.

"Hahaha..matapang kang bata..yun ay kung makakawala ka..Dadalhin na kita at ibebenta."nakangisi na sabi ng matandang lalaki na may makapal na bigote at magulong buhok na nakatali.Mukhang itong lasenggo.

"Waaa...ayoko! Bitawan mo ako!"tawa lang ang isinagot ng lalaki.

"Bitawan mo siya hindi mo ba siya nadinig o bingi ka lang?"hindi na napigilan na sabi ng batang lalaki sa malamig na tinig.

Nagkaroon ng pag-asa ang mata ng batang babae ng makakita ng tao sa paligid.

"Aba matapang ka bata.."nanunuya na sabi ng lalaki."Hmm..mukhang maaari din kitang maibenta.."kilatis nito.

Bitbit ang batang babae ay nilapitan nito ang batang lalaki.

"Halika sumama ka sa amin.."nakangisi na sabi nito.

Akmang hahawakan sa damit ang batang lalaki ngunit mabilis ang bata.Nahawakan niya ang kamay ng lalaki at napilipit sa likudan.

"Arghhh!"umaringkingking ito sa sakit kaya naman nabitawan nito ang batang babae.

Muryou:The Damn Cold Blooded Warrior[Complete]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang