CHAPTER 76 : STEP 6

106K 2K 323
                                    

CHAPTER 76 : STEP 6

Dedicated to Ate Jelcee Abante. (Janelle Yana)

RHEA POV

Nakaunan ako sa dibdib ni Delgado habang nagbibilang ng bituin. Ramdam ko naman ang paglalaro niya sa buhok ko gamit ang kanyang daliri. Nakaunan ako sa isang braso niya at ang isa ay nakadantay sa tiyan ko.

"Natauhan ka na ba?" Tanong ko paglipas ng ilang sandali.

"Oo." Bumuntong hininga siya. "Thank you."

"Para saan?"

"Thank you kasi sinapak mo ako."

Pumikit ako at napabuntong hininga rin. Hindi ko magawang tignan siya. Nagpapasalamat ako at iba-iba ang kulay ng christmas lights at hindi niya makikiwa kung gaano kapula ang mukha ko.

Buti na lang! Buti na lang talaga at sumingit sa isip ko ang mukha ni Papa, may dalang baril at pinapaulanan ng bala si Delgado. Ang epic! Hindi malabong mangyari 'yon kung. . .kung. . .AAHH! Ba't ko ba hinayaang umabot sa gano'n? Iiyak na ba ako? Pakiramdam ko kasi kahit wala naman talagang nangyaring lalagpas sa halik, nawalan ako ng puri.

Yuck, Rhea. May puri ka pala! Buti naman at natanggap mo na babae ka sa loob at labas, mula ulo hanggang paa!

"Manyak mo kasing bwisit ka, eh." Bulong ko sabay halukipkip. Alam ko namamg may parte ako sa kasalanan kung ba't nawalan siya ng kontrol pero syempre , dahil ako si Rhea Marval, hindi ko 'yon aaminin sa kanya at siya na lang ang pagbubuntunan ko ng sisi.

"Sorry na, beh. Lalaki pa rin naman ako. Alam mo na. Natutukso."

"Tukso mo, mukha mo."

"Hindi na mauulit. Pero buti na lang talaga at nasapak mo ako. Sakit ng panga ko, beh. Sana medyo hinaan mo man lang. Titigil naman ako, eh."

"Heh. Sapakin ulit kita dyan pag nainis ako."

"Maawa ka naman sa panga ko. Baka nga may pasa na 'to, eh. Gamutin mo 'to mamaya pag meron, ah."

"Delgado, parang bata. Ang ingay na , ang kulit pa. Manahimik ka na nga muna kahit saglit." Hindi pa nga ako nakakamove-on sa hiyang nararamdaman ko. Hindi ako naiilang ngayon dahil madilim pero paano pag umalis na kami rito? Baka maging 100 meters ang layo namin sa isa't-isa sa sobrang pagkailang.

"But I'm really glad you were able to stop me. Alam mo 'yon? Na-imagine ko ang mukha ni tito pag nalaman niyang may nangyari sa atin."

Napangiwi ako. Hindi ko napigilang ang pag-angat ng kamay ko sabay takip sa bibig niya. "Ang straight-forward naman! Kainis!"

"Pinapaliwanag ko lang sayo, beh. Kasi kanina nung sinapak mo na ako, bigla kong naisip na baka mapaaga ang kamatayan ko. Paano na lang tayo magpapakasal at magkakaanak kung bibitayin ako ng maaga ng Papa mo?"

"Siraulo." Humalukipkip ako at napailing. Kinagat ko ang aking labi. So, hindi lang pala ako ang nag-isip na pwede siyang tapusin ni Papa kung natuloy yung kanina?

"Magpipigil na talaga ako, beh."

"Dapat lang." Pairap kong sagot.

"Pero dapat magpigil ka rin. Huwag mo akong tini-tempt."

Nanlaki ang mata ko. Siniko ko siya. Napadaing siya ng mahina. "Ako pa talaga ang nanti-tempt! Manyak ka lang talaga!"

"Mahal mo naman." Bulong niya.

Natahimik ako. Oo na! Oo na! Siya na ang tama. Ako na ang shunga. Habang ang karamihan sa mga babae ay na-iin love sa mga playboy, bad boy, gwapo from head to toe at oozing with sex appeal, na-stuck naman ako sa isang lalaking ubod ng torpe , corny, manyak, baliw, panget forever sa puso, isip at paningin ko , plus always oozing with katarantaduhan. Wow. Eh di ako na ang abnormal magmahal.

10 Steps To Be A LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon