CHAPTER 81 : BREAK

90K 1.9K 242
                                    

CHAPTER 81 : BREAK

RHEA POV

"Happy Birthday, Artemis!" Bati ko sa birthday celebrant nang magkaro'n ako ng chance na makalapit. Sa dami ng bisita na nandito, hindi ko nagawang sumingit man lang. Naghintay na lang ako na mapansin niya ako.

Bumeso sa akin si Artemis at niyakap ako ng mahigpit. Naamoy ko kaagad ang kanyang mamahaling pabango. Ang ganda-ganda niya ngayon suot ang mahabang light pink na dress. Nginitian ko siya.

"Buti nakapunta ka. Akala ko babalewalain mo ang invitation ko."

"Pwede ba namang hindi? Ikaw naman." Sagot ko. Marahang tumawa si Artemis. Tinuro ko sina Papa at ang mga kuya ko na nasa malapit na table. Tumungo kami ro'n.

Wala ako sa sarili ko. Nakangiti ako ngunit hindi ko masasabing dala 'yon ng saya. Siguro dahil ayoko namang magmukhang walang gana lalo na't nasa harap ko si Artemis na nagsi-celebrate ng birthday niya. Ayoko ring makapansin ang Papa at ang mga kuya ko. Nagkunwari na lang akong nakikinig at interesado sa pinag-uusapan nila.

"Uhm, Rhea." Untag ni Artemis. Napabaling akong muli sa kanya. "Nag-usap na kayo ng kapatid ko?"

"H-hindi pa, eh." Nautal ako. Hindi sigurado kung kailangan kong i-open up na hindi ako pinapansin ni Coby at tila galit na ito sa akin.

Tumikhim si Artemis at bumulong. "Do you think this is the high time for you to talk and clarify things with my brother?"

No. I don't think so. This is not the proper time for that. May masmalalim akong iniisip maliban do'n. May gumugulo rin sa utak ko ngayon. Hindi ko magagawang kausapin si Coby ng maayos. Baka mas lalo lang kaming magkalabuan.

"Hindi ako pinapansin ni Coby." Pagpapaliwanag ko. "I don't want to push it. Baka mas lalo lang lumala. Nandito rin ang boyfriend ko." Namula ang mukha ko.

"Ohh." Usal ni Artemis pagtapos ay ngumiti. "Yeah. Binigyan ko rin pala ng invitation si Ren. Kumusta naman kayong dalawa?"

"Okay naman."

Sana nga okay lang. Sana manatiling gano'n kung sakali. Pagtapos ng paguusap namin kanina, hindi ko na siya inimik. Hindi rin siya nagtanong kung okay lang ba ako. Nanatili rin siyang tahimik. That was so unusual of him. Siguro dahil alam din niya sa kanyang sarili na walang okay sa inamin niya.

Hindi ako galit. Ano ang dapat ko ikagalit do'n? Sa pagtatago niya ng tungkol do'n? Naisip ko rin naman na kung sinabi niya sa akin 'yon ng mas maaga, may magbabago ba? Wala. Parehas na sakit lang 'yon. Hindi rin ako makakapaghanda kung sakali dahil aminin ko man o hindi, ayoko siyang umalis.

Pero anong magagawa ko?

"Happy Birthday, Artemis." Biglang lumitaw si Delgado sa likod ko. Pilit ko siyang nilingon para hindi makahalata si Artemis. Ang totoo nyan ay ayoko siyang tignan. Hindi ako galit sa kanya pero hindi ako magtataka kung iyon ang naisip niya ngayon. Ayoko lang siyang pansinin dahil hindi ko alam kung paano ako magrereact pagtapos naming mag-usap kanina.

Nginitian kaming dalawa ni Artemis. "You're both looking good. Congrats nga pala sa inyong dalawa." She said with sincerity. Tumango ako at ngumiti pabalik. Sa malayong sulok ng ballroom, namataan ko si Coby na nakatingin sa amin. Muntik na malusaw ang ngiti ko.

Gusto ko na rin namang makipag-ayos sa kanya pero wrong timing talaga ngayon. Hindi ako makakausap ng maayos ng sino man.

Hinawakan ni Delgado ang kamay ko nang umalis si Artemis para harapin ang iba pa niyang bisita. Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya kahit panay ang pisil niya sa kamay ko.

Nagpatuloy ang party na nasa tabi ko lang siya. Tahimik lang kaming dalawa. Nagpapakiramdaman. Sobrang lapit lang niya pero parang milya-milya ang distansya naming dalawa. Hindi naman 'to away, di ba? Hindi kami nag-away pero parang masmalala pa ang naging resulta kaysa sa mga walang kwenta naming bangayan noon.

10 Steps To Be A LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon