CHAPTER 7 : THE BEHOLDER

176K 3.9K 423
                                    

RHEA POV

Natapos ang dinner pero hindi pa nagyayang umuwi sila Papa. Nagkukwentuhan pa rin silang magkakaibigan. Nakita ko rin sina Coby,Ren at Artemis na nagtatawanan. Ba't gano'n? Feeling ko na a-out of place ako kahit pwede rin naman akong makitawa sa kanila. Kaya heto ako ngayon, naglakad-lakad sa balcony ng hotel. Gusto ko dito. Mahangin at tahimik dahil walang tao. Hinubad ko ang sapatos kong pamatay para makapaglakad ako ng maayos. Wala naman akong nakitang tao sa paligid kaya siguro naman ay wala ring makakakita sa akin dito.

Nang makakita ako ng stained glass chair, agad akong umupo doon.

"Thank goodness!" usal ko. Nakahinga ako ng maluwag. Ngayon lamang ako naging komportable.

Inalis ko ang pagkaka-pin nang buhok ko. Sakit sa anit!

Ano kayang oras matatapos ang kwentuhan nila Papa? Gusto ko na umuwi. Medyo nakakaramdam na ako ng antok at kusa na ring sumasara ang mata ko.

Ewan ko kung dahil ba 'yon sa fake eye lashes na inilagay sa mata ko. Wait! Paano ko nga pala matatanggal ang contact lens na nakalagay sa mata ko? Pwede ko bang itulog 'to?

Aba! Ano bang alam ko sa 'maarte problems' ng mga girls?

Katahimikan.

Nabobore na ako. Hindi ko akalaing ako pa ang ma-o-OP ngayong gabi. Parang naiwan ako bigla sa ere.

Kasi naman,eh! Naiilang talaga ako kay Coby at hindi ko alam kung bakit. Naimbyerna naman ako kay Delgado. Sa tuwing magkakatinginan kaming dalawa, ngingisi siya. Demonyo talaga!

Hindi kaya 'yon nagandahan sa akin?

Parang gusto kong pagtawanan ang sarili ko. Hindi naman marunong tumingin nang maganda ang kumag na 'yon.

Hindi niya nga ako nakikitang babae tapos aasa pa akong magagandahan siya sa akin? Tanga ko naman kung gano'n.

"Oh,come on. . ." napangisi na lamang ako. Asaness! Hindi ako magiging gano'n katanga. Mas gugustuhin ko pang humalik sa sahig, matapilok nang maraming beses at madapa kaysa maging tanga sa kanya.

"Alone?"

Muntik na akong mahulog sa upuan nang biglang lumitaw si Ren sa tabi ko. Goodness! May lahi ba siyang mushroom?!

Inarapan ko siya at inasikan. "May nakikita ka bang hindi ko nakikita?"

Ngumisi siya. Ang ngising sobra kong kinaiinisan. Bwisit! "Wala. Pero may nakita ako na ngayon ko lamang nakita." umupo siya sa tapat ko.

Nag-init lalo ang ulo ko. "Ang kapal naman ng mukha mo na umupo dyan."

"Bawal ba?"

"Oo!"

"Sino nagsabi?"

"Ako!"

"Tss. Ikaw lang pala,eh. Wala akong pakialam."

Napanga-na ako sa sinabi niya. Bastusan ba 'to?

"Ang galing mo talagang mang-inis,ano?"

"Basta ikaw ang iinisin." tumawa siya na parang nababaliw. Aba'y siraulo talaga ang kumag!

"Lumayo ka nga sa akin! Bwisit ka,eh! Ilang beses mo na sinira ang araw ko,ha!" pinanlakihan ko siya ng mata.

"That's my pleasure." he bit his lower lip while giving me a weird look.

"Ano bang problema mo?" inis kong tanong sa kanya.

"Wala." inilapit niya ang mukha niya sa akin. Hindi ako nakareact agad. "So, sinimulan mo na ang first step?"

10 Steps To Be A LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon