CHAPTER 53 : JUST TELL

105K 2.2K 320
                                    

RHEA POV

"Yaya! Kanino po 'tong mga bagahe na 'to?"

Pagkababa ko sa salas ay ito ang bumungad sa akin. Mga bagahe at duty free na plastic bags. Hindi ko napigilang kalikutin ang laman ng plastic bags kaya naman ng makita kong chocolates at candies ang laman no'n ay naglaway ako ng sobra.

"Yaya!" Sigaw ko ulit. Sino kaya ang may dala nito? Sana naman mabiyayaan ako kahit isang toblerone lang! Pero ang dami talaga nito, eh.

Mula sa kusina ay patakbong lumabas si yaya at nagpupunas pa ng kamay. "Ano ka ba namang bata ka! Kung makasigaw ka dyan ay parang nasusunog ang buong bahay."

Tinuro ko ang mga bagahe at lumingon kay Yaya Martha. "Kanino po 'tong mga bagahe? Nag-out of the country si Papa? Kanya 'to?"

"Aynako, ang aga mo kasing natulog kagabi! Hindi mo naabutan ang papdating ng Kuya mo."

Nanlaki ang mga mata ko. Oh, my God. Merong ulit umuwing Kuya ko galing ibang bansa. Naalala ko yung note na iniwan ni Shai sa akin kagabi.

"S-si Kuya Roy po ba ang umuwi, Yaya?"

Ngumiti si Yaya at tumango. "Baka natutulog pa 'yon ngayon dahil gabing-gabi na siya nakarating. Nag-usap pa sila ng Kuya Rex mo kaya madaling araw na nakatulog. Huwag mo munang gisingin-"

Hindi ko na pinatapos si Yaya sa kanyang sasabihin. Mabilis akong umakyat sa taas. Tinakbo ko ang hagdan at narinig ko pa ang pagsaway sa akin ni Yaya.

"Rhea, madapa ka! Huwag kang tumakbo-"

Si Yaya talaga. Minsan nawiwirduhan ako sa kanya. Mukha ba akong batang paslit na ubod ng lampa?

Agad na nawala sa isip ko si Yaya nang marating ko ang dating kwarto ni Kuya Roy. After so many years, nagkaro'n ulit ng tao sa kwartong 'to. Excited na akong makita ulit siya kaya naman halos masira ang pinto ng buksan ko iyon . Naglikha iyon ng ingay nang tumama ang pinto sa pader.

"What the fuck-" pupungas-pungas na napabangon ang lalaking nasa kama. Diretso ang tingin niya sa akin. Napasigaw ako sa sobrang katuwaan.

"Kuya Roooy!" Tinakbo ko ang kama at lumundag do'n para yumakap sa kanya.

"Rhea Louisse-"

"I miss you too, Kuya!" Mahigpit ko siyang niyakap at humalik ako sa kanyang pisngi. Nang humarap ako sa kanya ay nakasimangot siya kaya naman natawa ako. Nothing has changed. Royland Benedict Marval is the same Roy I knew before he left us four years ago.

Ginulo niya ang kanyang buhok at huminga ng malalim. "Inistorbo mo tulog ko, Rhea Louisse."

At kagaya ng dati, siya pa rin ang pinaka nakakainis kong Kuya. Ang sarap kutusan. Si Kuya Roy kasi ang laging tumatawap sa akin sa buo kong pangalan. Sinasadya niya 'yan para raw ma-realize ko na babae ako dahil babaeng-babae ang pangalan ko. The major reason why I don't wanna be called by my real name. That was before. Ngayon ay medyo tanggap ko na. Medyo.

"Wala ka man lang pinagbago. Ang sungit mo pa rin." Puna ko sa kanya ng nakangisi. Binigyan niya lang ako ng nakakatamad na titig hanggang sa unti-unting kumunot ang noo niya.

"What happened to you?"

"Anong klaseng tanong 'yan? Saka pwede ba kuya, huwag ka ngang mag-english dyan. Nasa Pilipinas ka na po. Wala ka na sa New York."

Huminga siya ng malalim at tinitigan akong mabuti. "You look different." Siya naman ang pumuna sa akin. Ngumisi ako at nagpatay malisya.

Napansin kaya ni Kuya ang pagbabago ko? For four years, sa webcam at videophone lang kami nagkakakitaang magkakapatid. Napansin kaya niya?

10 Steps To Be A LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon