CHAPTER 72 : RINGTONE

86.1K 1.9K 287
                                    

CHAPTER 72 : RINGTONE

RHEA POV

Sumimangot ako nang makita ko si Delgado sa sala na nakangisi sa akin. Inirapan ko siya pero hindi nagpaawat ang mukha ko sa pamumula lalo na at naalala ko yung pagkanta niya kagabi sa phone. Nakita kong may dala siyang box ng pizza.

"Hi, beh."

"Beh mo mukha mo. Bwisit." Umupo ako sa sofa at agad na binuksan ang box ng pizza.

"Hey, hindi para sayo 'yan." Natatawa niyang sabi. Tinitigan ko siya ng masama. Umiling na lang siya. "Joke lang. Pero share tayo, ah."

"Akin lang 'to."

"Ang possessive mo naman sa pizza, beh. Parang gusto ko na lang maging pizza."

"M-manahimik ka nga! Hate you!"

"I love you, too." Inirapan ko ulit siya sabay kuha ng isang slice ng pizza. Kinagatan ko kaagad 'yon. Kumuha rin siya ng kanya pagtapos ay dinugtungan ang kanyang sinabi. "More than most."

Nabilaukan ako. Napaubo ako ng sunod-sunod. Siya naman ay natawa at hinaplos-haplos ang likod ko. Nang makabawi ay kinurot ko ang hita niya ng pino.

"Aww."

"Manahimik ka na dyan!"

Ngumisi lang siya sa akin. Kinuha niya ang isang kamay ko at hinalikan. Pinanlakihan ko siya ng mata. "Behave!"

"Para naman akong aso nyan." Kumagat siya sa pizza. Hindi niya na pinakawalan ang kamay ko. Napabuntong hininga na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain. "Work-out tayo pag tapos nito?" Tanong niya.

"Dito?" Napatingin ako sa orasan. Mag-e-eleven palang. Tumango siya.

"Yup."

"Ganito kaaga?"

"Yup. Light meals ka na lang for lunch. Sigurado namang hindi ka na makakapag-gym mamaya. Eh, di ba aalis kayo mamaya ni Shai?"

Oo nga pala. Mamaya na yung party. Hindi ako makakapag-gym ng hapon dahil tiyak na mauubos ang oras ko sa pag-aayos.

"Nasabi na pala sayo ni Shai? Hindi ka ba sasama sa amin?" Tanong ko.

"Gusto ko kaya lang ayaw ni Shai. Ma-d-distract raw kita."

Ngumuso ako. Ito ata ang unang pagkakataon na hindi ko makakasama ang isang 'to sa actual test. Ang huling actual test na nagawa ko ay nung rumampa ako sa Fleet Cardony. Mas lalo akong kinabahan.

"Kamusta naman mag-turo si Shai?" Naubos niya na ang isang slice ng pizza kaya kumuha pa siya ng isa.

Napailing ako. "Halimaw. Mas halimaw pa sayo. Hindi lang halata."

Natawa siya. "I told you. Pero nag-e-enjoy ka pa rin ba?"

Tumango ako. "Ayos lang. Magaling si Shai. Patient siya kaya lang minsan sa sobrang lalim ng mga sinasabi niya, hindi ko na ma-gets. Nung ikaw pa yung nagtuturo sa akin, medyo okay pa. Pero si Shai, ang tindi ng logic. Parang lagi akong nag-t-take ng exam sa abstract reasoning."

Natawa siya. "Speaking of exams, saan mo balak mag-college?"

"Hmm, wala pa akong naiisip. Ikaw?"

Sandali siyang natahimik. "Wala pa rin. Anyway, anong course ang gusto mong i-take?"

Napanguso ako. "Hindi ko rin alam. architecture sana tulad ni Kuya Roy kaya lang gusto ko ring mag-fine arts tulad ni Kuya Ryan. Wala pa talaga akong final decision. Yun yung dati kong choices." Ngumiti siya sa akin. "Hmm, ikaw? Gusto rin ba maging lawyer tulad ni Tito Loren?"

10 Steps To Be A LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon