CHAPTER 9 : CEASEFIRE

188K 3.5K 626
                                    

 

RHEA POV

Matapos ang kadramahang nangyari kanina sa kotse. Ang bwisit na hinayupak, hindi na pumasok. At dahil kasama niya ako, nadamay ako sa pag-absent niya. Paano ba naman? Iniliko niya sa ibang daan ang kotse niya. At dahil medyo todo rin ang emote ko kanina, hindi ko kaagad napansin. Ang akala ko pa nga nung hininto niya ang kotse ay nasa tapat na kami ng academy. Hindi pala. Ang tumambad sa akin ay ang pinakamalaking ice cream store sa siyudad. Napanga-nga ako at napatitig na lamang sa kanya.

Parang balewala namang bumaba si Delgado at pinagbugsan pa ako ng pinto.

Wow naman. Kailangan ko pa palang umiyak sa harap niya para maging gentleman siya sa akin.

Inakay niya ako sa loob ng ice cream house. Medyo nawala ang inis ko dahil natakam ako bigla. Shemay. Kahinaan ko 'to. Ice cream. . .

"Manlilibre ka?" tanong ko sa kanya.

"Hindi. Tatambay lang tayo dito."

Aba'y gago. Di sana pumasok na lang kami! Sinamaan ko siya ng tingin.

Nang mapansin niyang unti-unti ko na siyang pinapatay sa titig ko, ngumisi siya.

"I'm just kidding. Dinala na nga kita dito sa ice cream house para hindi ako ang tinititigan mo. I told you, hindi ako matutunaw." natatawang sabi ng hinayupak.

Binatukan ko nga ng matauhan. "Bwisit ka! Pumasok na nga lang tayo!"

Hinawakan niya ang braso ko. Akala ko ay lalabas na kami pero pinaupo niya ako sa kalapit na table.

"What's yours?"

Napatitig muli ako sa kanya. Manlilibre na ba siya? For real?

He snapped his fingers in front of my face. "Hey! Ako ba ang gusto mong kainin o yung ice cream?"

Halos lumawa ang mga mata ko sa sinabi niya. "E-excuse me!"

Tinawanan niya ang itsura ko. "God. Your reaction is priceless. Sabagay, mas delicious ako sa kahit anong dessert. Wanna eat me?" kumindat pa siya.

Biglang nag-init ang paligid. Kumulo na naman ang dugo ko. Gusto ko na talaga siyang patayin! "Tantanan mo nga ako,Delgado! Para kang manyakis dyan sa mga pinagsasabi mo!"

10 Steps To Be A LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon