CHAPTER 25 : THE UNBEATABLE

117K 2.3K 338
                                    

 

RHEA POV

Hingal na hingal na ako pero hindi tumigil sa pagtakbo. Kinakapos na ako sa hangin. Pumikit ako. Kailangan kong manalo. Gusto kong manalo.

Tinignan ko si Delgado. Ilang metro ang layo niya sa akin at habang tumatagal ay mas lumalayo pa siya. Nakakainis dahil bago magsimula ang laban ay binigyan niya pa ako ng limang segundo para maunang tumakbo. Dalawang minuto nang magsimula ang laban ay malayo na siya sa akin. Siya ang nangunguna.

Tumatagaktak na ang pawis ako at parang susuko na rin ang mga paa ko. Didilat ako. Pipikit. Didilat at muling pipikit. Malamig ang hanging dumadampi sa katawan ko.

Ito na ang huling laban. Huling pagkakataon na binigay ni Ren para talunin siya. Huling pagkakataon para makawala sa mga plano niya. Huling pagkakataon para mailigtas ko ang sarili ko sa kahihiyan.

Kailangan kong tumakbo ng mas mabilis pa. Kailangan kong maabutan si Ren.

Yung huling pagkakataon na tumakbo ako ng ganito kabilis ay taon na ang nakalipas. Bata pa ako no'n. Iba ang pagkakataong 'yon.

Tumatakbo ako noon para tumakas.

Ngayon tumatakbo ako para lumaban.

Kasabay no'n ay yung pagbuhos ng ala-ala. . .

Yung araw na umusbong ang galit ko kay Ren Delgado.

FLASHBACK

Hindi ako makahuma. Nakatulala lamang ako habang pinapanuod ko ang ginagawa nila. Tahimik akong humihikbi. Basang basa na ang pisngi ko sa walang tigil na pag-iyak.

Nagtatawanan sila. Naghahagikgikan. Tuwang-tuwa sa ginagawa nilang pantitrip sa akin.

Nakatingin lang ako sa apoy. Do'n sa pamilyar na bagay na unti-unting nilalamon ng apoy at nawawala na sa paningin ko.

N-no. . .

Hindi ko alam kung may nabigkas nga akong salita. Hindi ko na pinansin ang mga nasa paligid ko. Nakatingin lang ako do'n sa apoy at sa bagay na nasusunog.

Sasha. . .

Nanginginig ako. Nanginginig ako pero hindi ko alam kung bakit. May masakit sa dibdib ko at hindi ko rin alam kung bakit. Unti-unting nanghina ang tuhod ko hanggang sa napaupo na lang ako sa damuhan.

Humina ang mga tawa na naririnig ko. Merong bulungan na sa wari'y nagsisisihan. Ngunit hindi ko pa rin iyon pinansin.

Sinubsob ko ang mukha ko sa aking palad. Wala akong kakampi rito. Wala si yaya. . . Wala si Coby. . .

10 Steps To Be A LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon