CHAPTER 26 : MATURITY

155K 2.5K 362
                                    

 

RHEA POV

"Mag-a-advance tayo for the next step." natigil ako sa pagbabalat ng orange.

"Huh? Agad-agad?!" reklamo ko. Naibaba ko ng wala sa oras ang binabalatan kong prutas. Kinuha 'yon ni Ren at kinain. Binato ko siya ng balat. "Ako ang nagpakahirap magbalat nyan tapos ikaw ang kakain? Ayos ka rin, ah!" sinubukan kong kuhanin ang orange ko sa kanya pero nilayo niya sa akin iyon.

"Ako ang bumili nito tapos ipagdadamot mo?"

"Binigay mo 'yan sa akin, di ba? Eh, di wala ka ng karapatan dyan!"

He chuckled. "Ang lalim mo naman. Bili pa kita ng isang sako nito, gusto mo?"

"Tse!" inis akong kumuha ng orange sa supot at nagsimula ulit magbalat. "Pag ito kinuha mo ulit, babato ko sayo yung natitirang orange." banta ko sa kanya. Ngumisi lang siya na parang wala namang pakialam.

"Balik tayo do'n sa next step. Sisimulan na natin 'yon bukas."

Hindi ko na siya sinulyapan. Nag-concentrate ako sa pagbabalat. "O tapos?"

"Parang hindi ka interasado, ah?"

"Ituloy mo na lang yung sasabihin mo, pwede?"

"Paano ko malalaman na nakikinig ka kung hindi ka naman nakatingin sa akin?"

"Ang choosy mo, ha. Kailangan ba nakatingin ako pag nagsasalita ka?"

"Oo."

"Wow! Kailan pa nakarinig ang mata?" sarkastiko kong banat. Sa wakas! Tapos na ako sa pagbabalat. Agad kong biniyak ang orange at kumuha ng dalawang piraso no'n.

Hmm, sarap!

Humarap ako kay Delgado. Nakasimangot na naman ang kumag. Nginisihan ko siya.

"You mad, bro?"

"Lets be serious here."

Ako naman ang napasimangot. Panira talaga ng moment ang isang 'to.

"Wala naman kasi sa usapan natin 'yan, di ba? Ang sabi mo , every month ang pagdagdag sa steps. June pa rin naman, ah!" protesta ko. Nakakainis kasi na hindi niya sinusunod ang napag-usapan naming dalawa samantalang siya pa nga ang nag-set no'n! Unfair 'yon para sa akin.

"Sayang ang araw. Imbis na may nagagawa ka na, nakatengga ka na naman. Hindi ka pa pwedeng mag-work out kaya naisipan kong simulan ng mas maaga ang second step."

Napanguso ako. "Hindi ba pwedeng ipahinga ko na lang yung mga natitirang araw ng June?"

10 Steps To Be A LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon