CHAPTER 80 : TWO MONTHS REMAINING

81.1K 1.9K 259
                                    

CHAPTER 80 : TWO MONTHS REMAINING

RHEA POV

'October. Day 11. First post.

'Pwede palang maging determined at the same time, matakot sa magiging come out ng goal mo. Yung pakiramdam na gustong-gusto mong ma-achieve ang isang bagay pero dahil hindi mo alam ang magiging resulta, nagkakaro'n ka ng doubt. Kuya Roy talked to me last night. Natakot ako sa sinabi niya kahit wala namang horror do'n. Masyado lang siguro akong paranoid. Pero sana ay hindi 'yon magkatotoo. I don't want to lose anyone. But I wonder kung kaya kong mapanatili ang mga taong nagmahal sa dating ako kung magkakaro'n ng malaking pagbabago sa sarili ko.'

Kinusot ko ang mata ko pagtapos kong mag-post sa blog. Panibagong umaga na naman. Kanina pa ako gising. Actually, hindi ako masyadong nakatulog. Na-bother talaga ako sa sinabi ni Kuya Roy. Alam ko naman wala siyang intensyong takutin ako o maglagay ng masamang ideya sa utak ko pero. . .basta. Hindi ko maipaliwanag kung ba't bigla akong nabahala.

Nagpunta ako sa kitchen bago maligo at napagpasyahang mauuna na akong magbreakfast. Nakasalubong ko si Yaya na may bitbit na malaking box.

"Good morning, Ya. Anong laman ng box na 'yan?"

Bumaling sa akin si Yaya. Ngumiti at bumati pabalik. "Para sayo raw 'to. Pinahatid ni Ren sa driver nila ngayon-ngayon lang."

Kumunot ang noo ko at nilapitan ang box. Nilapag ni Yaya 'yon sa sofa. Tinanggal ko ang malaking blue ribbon at binuksan ang kahon. Tumambad sa akin ang isang eleganteng blue cocktail dress, complete set of jewelries na may tatak na 'Angeli' at wedges na bagay na bagay sa dress. Sa box ng jewelry ay may nakadikit na note.

'I want to give this to you personally but Dad has errands for me. Wala ka pa namang damit, di ba? I want you to wear this. Hindi ako makakapasok ngayon, beh. But I'll come with Dad mamaya sa party. See you. I love you. Your welcome.'

Binuhat ko ang kahon at tinakbo ang hagdan paakyat sa kwarto ko. Kinuha ko kaagad ang phone ko at tinawagan ko siya. Ilang ring lang at sinagot niya na.

"Beh?"

"Ba't hindi ka papasok?" Bungad ko. "Anong nangyari?"

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Sorry. Si Dad kasi may pinapagawa sa akin. Kagabi ko lang nalaman pag-uwi ko kaya hindi ko nasabi sayo." He paused. "Anyway, nagustuhan mo ba yung dress?"

Namula ako. "H-hoy, marami naman akong dress dito. Yung mga pinamili namin ni Shai last month. Ang dami ko pa ngang hindi nagagamit do'n. Dapat hindi mo na lang ako binilihan." Nakokonsensya ako gumastos pa siya. Knowing Ren's taste at sa nakita kong brand ng mga pinamili niya para sa akin, sobrang mamahal no'n.

Natawa siya.

"Huwag ka tumawa dyan! Baka hiningi mo pa kay Tito yung pinamili mong damit at sapatos. M-may jewelries pa! Ano ka? Sugar Daddy ko?"

Mas lumakas ang tawa niya sa kabilang linya. "Grabe ka, beh. Pinapasaya mo na naman ang araw ko."

"Eh, ikaw kasi-"

"Hindi ko 'yan hiningi kay Dad, okay? Tinatapakan mo na naman ang ego ko. Sariling pera ko 'yan."

"Kahit na! Hindi mo naman ako kailangang paggastusan ng mahal-"

"Pag mahal, ginagastusan din ng mahal."

"Siraulo!" Sinubsob ko ang mukha ko sa unan ko. "H-hindi ko naman gusto ng mahal na bagay galing sayo."

He chuckled. "Alam ko. Pagmamahal ko lang, sapat na sapat na para sayo. Argh, ang sweet mo talaga, beh."

Napanganga ako. Pinagpasalamat ko na hindi ko siya kaharap ngayon dahil mahihiya ang makopa sa sobrang pula ng mukha ko. "Bakla mong bwisit ka! Nasa'n ka ba ngayon at nang makalbo kita?"

10 Steps To Be A LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon