CHAPTER 5 : TRIAL AND ERROR

191K 4.1K 249
                                    

RHEA POV

"What is it again,Rei?"

Napalunok ako. Bigla akong natauhan at tila nawalan ako ng sasabihin. Ang tanga! Nagpadala na naman ako sa inis ko kay Delgado!

I bit my lower lip. I want to scream! Nakakaimbyerna talaga! Imagine, sa sobrang inis ko, naisip ko na tuloy sabihin kay Anne na pagandahin niya ako! Nagmumukha tuloy akong desperada!

"Rhea Louisse! Nandyan ka pa ba? Hello?"

"H-hindi mo ba talaga ako narinig?"

"I'm sorry. Si Crein kasi,eh. Ang kulit. Nagpapahabol." ang tinutukoy ng bestfriend ko ay ang shitzu breed na tuta niya. Nakahinga ako ng maluwag. Buti na lang!

"Ano ba 'yon?" pagpupumilit ni Anne.

"W-wala. Y-yayain sana kitang mag-dinner dito sa bahay mamaya. Alam mo na, wala na naman akong kasama. Baka pwede mo akong saluhan mamaya?" Ang astig ko talaga! In just three seconds, nakaisip ako ng matinong alibi!

"Yun lang pala,eh. Akala ko kung ano na. Sure. Wala naman din akong kasama dito."

"Sige. Thanks. Bye." agad kong in-end ang call.

Pabagsak kong inihiga ang katawan ko sa kama. Muntik na ako doon, ah! Konting-konti na lamang at magiging kahiya-hiya ako sa bestfriend ko.

"Bwisit ka talaga,Delgado!" kinuha ko ang unan ko at hinampas-hampas iyon sa kama. Umuusok ang ilong ko sa inis. Pinanggigilan ko ang malaking unan at iniisip kong si Ren 'yon. Nananakit na ang kamay ko pero hindi ako tumigil. Hindi pa ako nakuntento at kinagat ko pa ang unan habang pinagpapalo 'yon.

Biglang bumukas ang pinto. "Rhea,hija-" natigilan ako ng makita ko si Papa na nakatingin sa akin. Napanga-nga siya sa nadatnan niya. Ako naman ay namula sa kahihiyan. Agad kong itinapon ang unan at umayos ng tayo.

"P-pa! Ba't di man lang kayo kumatok?!" sigaw ko. Namumula ako sa kahihiyan. Nakita ako ni Papa na parang asong kinakagat at pinanggigilan ang pobreng unan!

"What are you doing?" magkadikit na ang kilay niya. Napakagat-labi ako.

"A-ano. M-may play kami sa school! Yes! May play sa school at isa akong bampira! Nagpapractice ako ng role ko." Anong klaseng alibi!

Natawa ng marahan si Papa.

"A-are you laughing at me?"

"Of course not, hija." sagot ng magaling kong ama. I rolled my eyes upward. Hindi raw? Tse! Kitang-kita ko naman.

But, seriously, nakakatawa ba talaga ang ginawa ko?

Dear lupa, lamunin mo na ako. Please! Now na!

"Akala ko hindi ka uuwi this week,Pa?"

"Maagang natapos ang seminar namin. Anyway, we'll dinner with Art Ramirez and his family. Go get a dress."

"What?!" napamulagat ako. Art Ramirez? Si ninong bumalik na galing Korea? Wait, mas nawindang pa rin ako sa part na magsusuot ako ng dress! What the hell?!

Tapos naalala ko si Anne. Di ba siya ang inaya ko mag-dinner? Damn!

Agad kong tinawagan ang bestfriend ko. Agad naman niyang sinagot.

"What is it?" bungad niya.

"Hindi mo na pala ako kailangang samahan sa dinner. Dumating bigla si Daddy."

"Really? I-greet mo na lang ako kay tito."

"T-that's all. . .Ahh! Wait. M-may extrang dress ka ba?"

10 Steps To Be A LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon