CHAPTER 75 : HORROR-ROMANCE

87.1K 1.9K 210
                                    

CHAPTER 75 : HORROR-ROMANCE

RHEA POV

"Jude, thank you talaga, ah?" Ngiting-ngiti ako habang pinapanuod ang mga bata na tuwang-tuwa sa mga natanggap nilang pagkain at bagong damit. Nasa harap ko si Jude na siyang namimigay ng mga pambatang damit na siya mismo ang nag-donate.

Nilingon ako ni Jude at nginitian. "Walang anuman, Miss."

Tinungo ko rin ang iba pang mga kaibigan ni Jude at personal na nagpasalamat.

"Wala 'yon. I should be the one thanking you. First time ko um-attend ng charity event and I'm having fun watching these kids. This is a good project. Baka ulitin ko 'to." Sagot sa akin ni Joe habang ginugulo-gulo ang buhok ng isang batang lalaki na nakangiti sa kanya.

Nagpasalamat rin sila sa aking lahat kaya maluwag ang pakiramdam ko. Wala pala akong dapat alalahanin sa event na 'to.

"Thank you po, Ate Rhea." Yumakap sa akin si Neya at Zeth. Itong dalawang bata na 'to ang pinakanatatandaan ko sa unang charity event sa Day Care. Sinabi nila sa akin kung gaano sila katuwa sa nangyaring program ngayong araw, sa masarap na pagkain at sa mga bagong damit na natanggap nila. Nangingislap ang mga mata nila sa tuwa kaya hindi ko maiwasang maging masaya rin para sa aking sarili.

Mula sa pagkakatingin sa mga bata ay hindi sinasadyang napaangat ang tingin ko kay Delgado na nakahalukipkip at nakasandal sa pader. Ngumiti siya nang magkasalubong ang mata namin. Alanganin ang ngiting iginanti ko sa kanya kasabay ng pamumula ng aking mukha.

Nang papatapos na ang event ay nagpasalamat sa amin ang mga madre sa orphanage at pati na rin ang mga nangangalaga ng mga bata sa Day Care.

"Mga bata, mag-thank you kayo kina Ate Rhea at Kuya Ren pati sa mga kasama nila na nagpasaya sa atin ngayong araw." Sabi ni matandang babae na may hawak ng microphone.

"Thank you po!" Sabay na sigaw ng mga bata.

"Ngayon ay tawagin natin si Ate Rhea."

Nalusaw ang ngiti ko nang bigla akong tawagin. Ang pakiramdam ko ay bigla akong tinawag mag-recite sa harap ng klase at hindi ko alam ang gagawin. Humarap ako kay Shai na ngiting-ngiting nakalingon sa akin.

"A-ako raw?" Tinuro ko pa ang sarili ko. Marahan akong tinapik ni Shai habang natatawa.

"Of course, ikaw 'yon! Ikaw lang naman ang Rhea sa atin."

Napalunok ako. "A-anong gagawin ko?"

"Come on, Rhea. Magsasalita ka lang sa harap. Step 4 and Step 5. Speak up. Last na 'to. Promise." Humagikgik siya. I knew it! Binalak niya 'to at hindi man lang niya ako binalaan! How cruel!

Napakamot ako sa aking batok bago alanganing naglakad palapit sa matandang babaeng may hawak ng microphone. Nakangiti niyang inabot sa akin 'yon. Tumikhim muna ako bago magsalita. Minsan talaga ay nakakainis ang mga paraan ni Shai. Dapat ay binigyan niya man lang ako ng clue na may pahabol pa pala siya sa actual test! Wala man lang akong na-practice na script! Wala akong kaide-ideya kung ano ang sasabihin ko ngayon.

"Uhm, hi." Nagtawanan ang mga bata. Pati si Shai, Delgado, Jude at ang mga kaibigan nito. Namula ang mukha ko sa hiya. 'Hi' pa nga lang ang nasabi ko! What the- anong nakakatawa ro'n?

Tumikhim ulit ako. "Hindi ako informed na kailangan ko palang mag-speech." Ngumiti ako ng alanganin. Bahala na lahat ng superheroes. "Anyway, gusto kong mag-thank you sa mga nag-sponsor para matuloy ang event na 'to. Kung hindi dahil sa kanila, hindi magiging ganito kasaya ang mga bata. Kids, nag-enjoy ba kayo?"

"Opo!" Sigaw muli ng mga ito.

"Sobra?"

"Sobra po!"

10 Steps To Be A LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon