CHAPTER 65 : INITIATE

87.3K 1.8K 303
                                    

CHAPTER 65 : INITIATE

Dedicated to Ate princess_lizel18.

-

RHEA POV

"Rhea." Ungot ni Delgado. Hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy ako sa pagsusulat sa planner. Pinaplano ko na kung paano ko tatapusin ang buhay niya sa iba't-ibang paraan. Joke. Wala naman talaga akong sinusulat. Kunyari lang ay may pinagkakaabalahan ako para mawala sa isip ko yung. . .Argh! Erase! Erase!

"Beh, pansinin mo na ako." Humiga siya sa lap ko. Nanigas ang katawan ko. Tahimik akong nagdasal na sana ay hindi niya naramdaman iyon. Sana ay hindi niya maisip na naapektuhan ako sa ginawa niya.

Hindi ko pa rin siya pinansin. Mamuti sana ang mata niya kakahintay. Naiimbyerna pa rin ako kahit isang oras na ang nakalipas mula nung dumating siya.

"Beh." Hinawakan niya ang laylayan ng shirt ko at hinila-hila iyon. Pinalo ko ang kamay niya. Footspa. Mamaya ay kung saan na naman maglakbay at pumatong 'yon. Wala sa loob na namula ang mukha ko. Nakakainis talaga!

"Sorry na. Wala naman akong nakapa, eh." Dagdag pa niya.

Muntik na umusok ang ilong ko sa kanyang sinabi. Walang hiya! Nakihawak na nga lang, manlalait pa. Hindi ko tuloy malaman kung reasonable ba iyon o inaasar niya lang ako.

"Manahimik ka diyan." Malamig kong sabi.

"Ayaw."

"Manahimik ka sabi dyan!" Inangat ko ang planner at akmang ihahampas ang planner sa mukha niya. Pumikit lang siya ngunit hindi umilag. Hindi ko naman matuloy ang paghampas sa kanya kaya umusog na lang ako at nalaglag ang ulo niya sa sofa.

Tinapunan ko siya ng nakakamatay na tingin. Ngumisi lang siya sa akin.

"Bwisit ka. Ang manyak mo." Namula ng todo ang pisngi ko. Para ko na ring pinaalala yung kanina. Wrong move. Ang tanga lang.

"Gusto ko lang naman-" Inangat ko ulit ang planner at muntik na maihampas sa kanya. Hindi man lang pumikit ang kumag. "Sorry. Na-turn off ka?"

Na-turn off? Ako? Sandali akong natigilan. Dati pa naman nakaka-turn off ang ugali ng isang 'to. Lahat ng ginagawa niya ay turn-off para sa akin. Pero ang hindi ko maipaliwanag ay kung bakit kahit alam kong nakakaturn-off siya, nakakaramdam ako ng kakaiba? I mean, ba't ako naaapektuhan? Bakit?

Umiwas na lang ako ng tingin. Nakakabigla naman kasi yung kanina. May kasama pang simpleng panlalait. Oo, maliit yung akin pero wala pang nakakahawak dyan! Siya lang ang nangahas! Manyak!

Yumakap siya sa akin. Pilit niyang hinarap ang mukha ko gamit ang isa niyang kamay at marahang pinisil-pisil ang magkabilang pisngi ko. "Beh, mas malaman pa nga pisngi mo sa dibdib mo, eh."

Patuloy niyang pinipisil iyon at namamanyakan na naman ako sa kanya. Naisip kong baka ini-imagine niyang dibdik ko ang ginaganyan niya. Kinurot ko ang tagiliran niya ngunit di siya tumigil. Mas pinisil pa niya ang pisngi ko at magmukha na akong naka-duck face.

"'Yan. Kamukha ka na ni nemo."

Tanginemo. Sarap niyang murahin. Kung hindi nga lang ako nag-aalalang mabawasan yung donation na nasa jar. Pinaulanan ko na siya ng mura kanina pa.

Ninakawan niya na naman ako ng halik. Sandali lang iyon at mabilis pagtapos pinagpatuloy niya ang pagpisil sa pisngi ko. Nakangisi pa rin siya habang pinapanuod ang mga labi kong gumagalaw. Matalim ko siyang tinignan sabay umpog ng aking noo sa kanya. Sa wakas ay binitawan niya na ang pisngi ko.

"Manyak mo talaga." bulong ko.

"Sayo lang naman." Muli niya sanang hahawakan ang pisngi ko ngunit kinagat ko ng madiin ang kanyang kamay at napaaray siya.

10 Steps To Be A LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon