CHAPTER 63 : CONTINUE THE STEPS

89.3K 1.9K 177
                                    

CHAPTER 63 : CONTINUE THE STEPS

RHEA POV

"Tinigil ni Harris ang pagtuturo sayo? Hindi mo matatapos ang 10 steps?" Gulat at hindi makapaniwalang wika ni Shai nang puntahan niya ako sa bahay isang oras pagtapos ko siyang itext.

Tumango ako at huminga ng malalim.

"Bakit daw?"

Namula ang pisngi ko. Sasabihin ko ba yung sinabing dahilan sa akin ni Delgado kahapon! Paper sheet! Parang ayoko!

Pinitik ni Shai ng mahina ang ilong ko. "Huy! Ano nga? Bakit niyo hininto? Nag-away ba kayo? Na naman?"

Marahan akong umiling.

"Oh, di naman pala eh. Ano ngang rason? Bakit raw ihihinto? Teka, ba't ka namumula?"

Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang aking mga kamay. Nakakahiya 'to! Wala nga akong sinasabi pero umaakyat naman lahat ng dugo ko sa aking mukha.

"Rhea! Sabihin mo na sa akin!" Pamimilit ni Shai.

Binaba ko ang aking kamay at huminga ulit ng malalim. Napakamot ako sa aking noo.

"Ano kasi. . ."

"Ano?"

"K-kami na." Kinagat ko ang aking labi at pumikit ng mariin. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Ba't sa tuwing aaminin ko sa ibang tao ang tungkol sa amin ay para akong mawawalan ng ulirat? Kulang na lang ay sumabog ako, literal.

Nalaglag ang panga niya. Pati ata eyeballs niya. "What?! Kayo. . .k-kayo na?!"

Umiwas ako ng tingin. Hinawakan niya ang balikat ko at niyugyog niya ako ng medyo malakas. "Rheaaa! Tama ba ang pagkakaintindi ko sa sinabi mo? K-kayo na? As in boyfriend-girlfriend? Magsyota? Magjowa? Lovebirds? Couples? In a relationship? Yon ba, ha? Iyon ba?"

Halos humiwalay na ang kaluluwa ko sa aking katawan sa lakas ng pagyugyog niya sa akin. "Teka, Shai! Nahihilo na ako."

Tumigil siya sa pagyugyog ngunit hindi niya binitawan ang aking balikat. "Seryoso?! Ano? Paano nangyari? Naku, Rhea! Hindi kita mapapatawad kapag niloloko mo lang ako! Unti-unti ng tumataas ang bandera ko para sa loveteam niyo!" Nakaawang pa rin ang kanyang bibig at nanlalaki pa rin ang kanyang mga mata.

Napangiwi ako at tinakpan ang aking tainga. "Huwag ka naman sumigaw. Inches apart lang tayo, oh." Kainis naman 'to. Gusto niya ata ay ulit-ulitin ko ang sinabi ko. Mukha ba akong nagsisinungaling at parang hirap na hirap siyang maniwala sa akin.

"Gusto ko nga kasi malaman kung totoo nga-"

"Totoo nga 'yon! Mukha bang pinagloloko kita?" Pinanlakihan ko siya ng mata.

Natigilan siya ng limang segundo ngunit pagtapos no'n ay sumigaw siya ng sobrang lakas. Napatakip ulit ako sa aking tainga.

"Oh, my gosh! Oh, my gosh! Oh, my gosh!" Tumalon talon siyang parang baliw. Napairap naman ako sa kawalan. Seriously? Ba't ganyan siya ka-OA?

Pagtapos ay yumakap siya sa akin ng mahigpit. "OMG, Rhea! I'm so happy for both of you!"

Napa-poker face na lang ako habang nangingisay siya sa kilig. Ano bang nakain ng babaeng 'to at wala ata siya sa kanyang sarili? Parang siya ang nagka-boyfriend, ah?

"Well, I'm not happy for myself. Should I be proud na may siraulo akong boyfriend?"

Akala ko ay sisinghalan niya ako pero matinis siyang tumili at niyugyog niya naman ako. "Ang sweet naman! Tinatawag mo na si Harris na boyfriend! Oh, my gosh! Dapat ni-record ko 'yon! That was the first time!"

10 Steps To Be A LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon