CHAPTER 41 : WELCOME AND GOODBYE

124K 2.1K 216
                                    

RHEA POV

Idinikit ko ang test result sa pader kasama ang contract, lists and notes ni Shai at tips ni Miss Elina. Nakakabugnot makita ang papel na 'to. Hindi ko naman maatim na itapon dahil ang sabi sa akin ni Delgado, magiging malaking tulon daw 'yon in the future. Eh, ngayon pa nga lang gusto ko na lang itapon yung result ,paano pa kaya sa future?

Huminga ako ng malalim. Okay. Move on na sa step two. August na ngayon at ito na ang simula ng step three. Ngayon din ang balik ni Shai at susunduin namin siya ni Delgado mamaya. Siguro naman magpapahinga muna iyon at hindi niya muna iisipin ang ipapagawa niya sa akin. Sana nga.

Nag-ring ang cellphone ko at nakita ko ang pangalan ni Delgado.

"What?" bungad ko.

"Tanghali natin susunduin si Shai. Be ready. Pupuntahan kita dyan around 10am, okay?" sabi niya. Napatingin ako sa orasan. 9am na. Isang oras na lang ang hihintayin.

"Okay. Teka, mag-u-umpisa na ba ngayon ang step three?" tanong ko. Umaasa pa rin ako na free day ko ang first day.

"Yup. Excited ka?" natatawang sabi niya. "Ako kasi excited, eh."

"Hah! Ewan ko sayo. I-re-remind ko lang po na hindi ikaw ang instructor ko sa step three! Huwag ka ngang eepal sa amin ni Shai."

Tumawa lang siya. "Hindi nga ako ang instructor mo pero ako ang magsisilbing judge. I told yah, wala kang kawala."

"You sound like a rapist. Creepy and disgusting." asar ko sa kanya.

Tumawa lang siya. What the hell? Tuwang-tuwa pa siya masabihan ng rapist? "Talaga? Gusto mo rape-in kita?"

"Gago. Rape-in mo sarili mo. Hang up na nga! Manyak!" tumawa siya ng malakas sa kabilangt linya. Umirap ako sa sobrang iritasyon at pinatay ang tawag. Na-master niya na ang pang-iinis sa akin.

Naghanap ako ng damit na maisusuot. Nakapajama pa rin kasi ako at hindi pa naliligo. Kinuha ko ang favorite shirt kong Just Do It at faded pants. Naligo ako at nagbihis. Kinuha ko ang aking cap na nakatago sa drawer at pinagpagan iyon. Niyakap ko ito ng mahigpit. "Hi, cap! Na-miss kitang suotin!" hinagkan ko pa iyon bago sinuot sa aking ulo. Favorite cap ko 'to dahil original 'to galing new york. Padala sa akin ni Kuya Ryan. Minsan ko lang 'to suotin dahil baka mag-fade ang kulay. Iniingat-ingatan ko pa 'to. Sinuot ko ang sneakers ko saka bumaba. Nakasalubong ko pa si Kuya Rex na pawisan na galing sa gym. Topless si Kuya at naka-boxer lang. Nakakainggit 'tong syokoy na 'to, mas malaki ang muscle niya kaysa kay Delgado. At ang mas nakakainggit, may anim siyang pandesal sa tiyan! Samantalang ako, err, nevermind. Kailan kaya ako magkaka-abs? Kahit maliit lang, okay na!

"Oh, ano? Ang hot ng kuya mo, ano?" nginisihan niya ako.

Nginuso ko ang abs niya. "Hot pandesal. Paano ba binibake 'yan at nang magkaganyan din ako? May secret recipe ba 'yan?"

Natawa si Kuya at hinampas ang cap ko kaya halos wala na akong makita. "Kuya naman, eh!" inayos ko ang aking cap.

"Hindi bagay sayo ang hot pandesal, okay? Huwag ka na mangarap." nilagpasan niya ako at umakyat na sa taas. "Kumain ka na. Masarap ang breakfast na luto ni Yaya." pahabol pa niya bago tuluyang makaakyat. Umirap ako ulit. Ba't nakakairita ang mga tao ngayon?

Tumungo ako sa kusina at nakita ko si Yaya Martha na naghuhugas ng pinggan.

"Ya, anong breakfast?"

"Nagluto ako ng baked macaroni. May hotdog at bacon rin dyan. Teka at ipaghahanda kita."

"Huwag na , Ya. Ako na po." kumuha ako ng plato ko. "Tapusin niyo na lang po iyan at nang makapagpahinga na kayo. Si Papa po?"

"Tulog pa ata. Wala naman siyang pasok dahil weekend ngayon." sagot ni Yaya na muling naghugas ng plato.

10 Steps To Be A LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon